Bakit estofado, wafer sticks, rosaryo at ref ang regalo ni Dimples at ng Gold Squad sa 18th b-day ni Andrea? | Bandera

Bakit estofado, wafer sticks, rosaryo at ref ang regalo ni Dimples at ng Gold Squad sa 18th b-day ni Andrea?

Ervin Santiago |March 14,2021
facebook
share this

Bakit estofado, wafer sticks, rosaryo at ref ang regalo ni Dimples at ng Gold Squad sa 18th b-day ni Andrea?

Ervin Santiago - March 14, 2021 - 12:29 PM

NAGING mas bongga at exciting ang debut ni Andrea Brillantes kamakalawa (March 12) dahil sa pa-surprise na “18 Treasures” ng mga taong malapit at mahalaga sa kanya.

Kabilang nga sa mga bumati at nagregalo sa kanya ay ang mga nakatrabaho niya sa hit Kapamilya series na “Kadenang Ginto”, nandiyan sina Dimples Romana, Francine Diaz, Kyle Echarri at ang ka-loveteam na si Seth Fedelin.

Mapapanood sa isang video na naka-upload sa Star Magic YouTube channel ang “18 Treasures” sa 18th birthday ni Andrea kung saan ipinaliwanag pa ng mga nagregalo ang kahulugan ng inihanda nilang symbolic gifts para sa dalaga.

Pahayag ni Dimples na gumanap na nanay ni Andrea sa “Kadenang Ginto”, “Ang regalo ko sa ‘yo ay ang aking walang sawang pagmamahal at suporta. At parating na ‘yung refrigerator for your beautiful home.

“‘Wag kang mag-alala, kapag dumating diyan, nai-deliver na, i-text mo ako at ipapadala ko pa ang mga ilalagay natin sa loob. Alam na alam ko na kung ano ‘yung mga gusto mong nandyan sa loob ng refrigerator. I love you, Blythe. Happy 18th birthday, my love,” mensahe pa ni Dimples sa ginawang video greeting.

Dagdag pa ni Dimples, “Alam mo kung gaano kita kamahal. Bata ka palang magkasama na tayo. And I’m so glad na nakita ko yung growth mo not only as a person, as a young woman but also as an actress.”

Rosaryo naman ang gift ni Francine sa kaibigan na kasama uli niya ngayon sa upcoming inspirational series ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba.”

“Kung bakit rosary, since magkatabi lang tayo ng room sa lockdown taping, nakikita ko minsan kapag nagkakasalubong tayo sa hallway, bago ka matulog meron kang suot suot na rosary,” sabi ni Francine.

Aniya pa, “Naaalala ko rin dito sa rosary na ‘to ‘yung time na pupunta tayo ng San (Francisco) no’n tapos sobrang natakot tayo sa airplane kaya sabay tayo nagdasal. Dala dala mo pa ‘yung rosary mo. Nakahawak tayo sa rosary.”

Wafer sticks naman ang regalo kay Andrea ng isa pang Gold Squad member na si Kyle, “Alam ko sobrang gusto mo ‘to, eh.

“Kasi nag-lock in, lagi mong dala ‘to, lagi mong hinahanap ‘to sa iba’t ibang tao ‘pag nauubusan ka. Pero it’s okay, I got you one now. Para meron ka nang sarili mo,” sabi pa ng binata.

At siyempre, mawawala ba naman sa eksena ang kanyang katambal na si Seth na talagang kinarir ang pagluluto ng favorite food ni Andrea, ang estofado.

“Siyempre dahil (18th birthday) mo, gusto kong gawing special ito, Ali. Gusto kitang bigyan ng isang bagay na hinding hindi mo makakalimutan, maliit man o malaki. Tandang-tanda ko Ali ang hinihiling mo sa akin sa birthday mo ay blender,” simulang mensahe ng binata.

“Blender na sa ibang bansa ko pa bibilhin, o-order-in ko pa, at napakamahal. Pero Ali, o-order-in ko ‘yun para sa ‘yo, kaso nga lang hindi ko mabibigay ngayon. Kaya ang ginawa ko muna ngayon, pinadalhan kita sa bahay mo ng niluto kong estofado.

“Ayan Ali. Tandang-tanda ko kung bakit ito ‘yung niluto ko, kasi every time na pupunta ka rito sa bahay ito laging hiling mo sa papa ko na lutuin para sa ‘yo.

“Kaya naisip ko na paglutuan ka, nagpaturo ako sa papa ko nang sa ganon ay maibigay ko sa ‘yo. Kaya Ali pagpasensyahan mo muna. Alam ko magugustuhan mo ‘to,” esplika ni Seth.

But wait there’s more! May isa pang gift kay Andrea ang dating PBB housemate, “At ang pinakaregalo ko sa ‘yo ay ang aking heart. Ayun, Ali. Ang puso ko sa ‘yo lang, sabihin na natin, sa ‘yo lang ang puso ko Ali.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending