Mimiyuuuh sa mga kapamilyang homophobic: No deal! I'm so done with that culture! | Bandera

Mimiyuuuh sa mga kapamilyang homophobic: No deal! I’m so done with that culture!

Ervin Santiago - March 10, 2021 - 09:16 AM

TULAD ng karamihan sa mga beki, nakaranas din ng pambu-bully at hindi magandang pagtrato ang internet sensation na si Mimiyuuuh mula mismo sa kanyang mga kamag-anak.

Ayon sa sikat na vlogger at product endorser, naiintindihan niya kung may mga tao talagang homophobic, pero naniniwala siya na wala siyang dapat ikatakot kung wala naman siyang ginagawang masama o inaapakang kapwa.

Sa latest vlog ni Mimiyuuuh, sinagot niya ang tanong ng ilan niyang fans kung paano niya hina-handle o pinakikisamahan ang mga “toxic family members” bilang isang miyembro ng LGBTQ+.

“I just don’t deal with them, you know what I’m saying? No deal! Pero siyempre hindi naman po talaga mawawala ‘yung mga homophobic nating tito.

“And guess what? Ngayon po nag-uunahan na silang magpa-picture sa akin,” chika ng isa sa pinakasikat ngayong YouTuber.

Pero bago pa siya ma-bash at ma-misinterpret sa sinabi niya, agad niyang nilinaw na hindi siya nagmamalaki o nagyayabang, sa katunayan nalulungkot daw siya dahil kailangan pa niyang may mapatunayan bago siya tanggapin ng kanyang homophobic relatives.

“Guys, hindi ko ‘yun pinagmamayabang. In fact, sobrang sad. Alam niyo, maraming beses ko na ‘tong sinasabi sa mga vlog na parang you really need to be someone to be appreciated by homophobic people, family members, everyone. And I’m so done with that culture. I am done with you all,” paliwanag pa ng social media influencer.

May payo rin si Mimiyuuuh sa lahat ng mga beki, “Let me just say this to you, you don’t need to prove anything to anybody. Do the things that will make you happy as long as wala kang tinatapakang tao and your intentions are good.

“If your family members won’t accept you, there’s a lot more people na makaka-appreciate sa ‘yo. They say blood is thicker than water, but I think the relationship that you build with other people, kahit hindi mo kamag-anak,  I think that’s much thicker,” aniya pa.

Sa isang panayam, sinabi rin niya na napakaswerte niya sa mga magulang dahil tinanggap siya agad ng mga ito kung sino talaga siya at hindi na niya kinailangan pang mag-out.

“Without judgment, in-accept po talaga nila kung sino talaga ako. No buts, no ifs. Talagang in-accept nila ako,” sey pa ni Mimiyuuuh na unang sumikat nang mag-viral ang kanyang “Dalagang Pilipina” challenge.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Noong nag-full force na po talaga ako sa pananamit, sa aking buhok, sa aking galaw po talaga at pananalita, mas na-feel ko po talaga na tanggap nila ako,” chika pa ni Mimiyuuuh na marami na ring naka-collaborate na big stars, kabilang na sina Kathryn Bernardo, Bea Alonzo at Heart Evangelista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending