Kris Bernal ayaw na sa bonggang wedding: The lesser the guests, the lesser the cost!
NAGDESISYON ang engaged couple na sina Kris Bernal at Perry Choi na huwag nang gawing bonggang-bongga ang kanilang wedding.
Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang preparasyon ng future husband and wife para sa kanilang kasal at inamin nilang marami silang realizations habang naghahanda sa kanilang big event.
Ayon kay Kris hindi talaga madali ang mag-prepare ng kasal sa gitna ng pandemya dahil napakarami ngang bawal at kailangang i-reconsider para masigurong magiging ligtas ang lahat ng dadalong bisita.
Sa isa niyang Instagram story, sinabi ni Kris na hindi na kailangan ng “fancy wedding” lalo na ngayong may krisis. Aniya, “The lesser the guests, the lesser the cost! Lol!” Nilagyan pa niya ito ng laughing emoji.
Dugtong pa ng aktres, “I’ll admit it sounds pretty miserable – but don’t spend fortunes on ever more extravagant weddings. This pandemic has taught us to save more.
“Ours will not be as BONGGA as how I planned it pre-pandemic. We decided to allot more for the future like our house construction and businesses,” diin pa ng dalaga.
Nag-propose si Perry kay Kris noong February, 2020, ilang linggo bago ipatupad ang lockdown sa bansa dahil sa Covid-19. Naurong ang date ng kanilang kasal dahil natigil din ang kanilang wedding preparation.
Samantala, bilang bahagi ng kanyang pakikiisa sa International Women’s Month, nag-post ng isang “fierce photo” si Kris sa IG kalakip ang isang message of empowerment para sa mga kababaihan.
Sey niya sa caption, “Always flexin’ in my photos but my real flex in life is how many people’s lives I can positively impact. I know most of my followers are female/women. Here’s an advice from a tiger.
“Stay wild, we weren’t trained to be (tamed.) While by staying wild, I want you to know that we are sisters in everything and while we are each other’s competition, we can and should be each other’s biggest fans and supporters!” dagdag pa niyang pahayag na may kasunod pang tiger emoji.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.