NBI inatasan na imbestigahan ang PDEA-PNP shootout sa Quezon City | Bandera

NBI inatasan na imbestigahan ang PDEA-PNP shootout sa Quezon City

- February 27, 2021 - 03:59 PM

PDEA PNP shootoutInatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring shootout sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City noong Biyernes ng gabi/

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging ang NBI lamang ang magsasagawa ng imbestigasyon at wala ng iba pa.

“Nagdesisyon po ang ating Presidente na tanging NBI lang po ang mag-iimbestiga doon sa putukan na nangyari sa panig ng mga kapulisan at ng PDEA dyan po sa Quezon City,” pahayag ni Roque.

Pinatitigil na rin aniya ni Pangulong Duterte ang sariling imbestigasyon ng PNP at PDEA.

“Yung mga binuo pong joint panel na binuo po ng PNP at PDEA ay hindi na po magtutuloy sa kanilang imbestigasyon, tanging NBI lang po sang-ayon sa ating Presidente ang magtutuloy ng imbestigasyon,” dagdag ng kalihim.

Paliwanag ni Roque, may legal na mandato ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon kapag nasangkot sa insidente ang mga uniformed personnel.

Sa ganitong paraan din aniya masisiguro ang impartiality sa imbestigasyon.

“This is ensure impartiality on the Quezon City shootout incident,” pahayag ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending