Brenda Mage never inatake ng depresyon dahil sa lockdown: Mas lumaki yung income ko sa YouTube
Regular na napapanood ngayon ang beking komedyante at Miss Q and A grand finalist ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN series na “Ang Sa Iyo Ay Akin” bilang assistant ng lead star sa serye na si Jodi Sta. Maria.
At ngayon nga ay isa na siya sa mga bida ng pandemic movie na “Ayuda Babes” mula sa Saranggola Media Productions at sa direksyon ni Joven Tan.
Sa nakaraang presscon ng pelikula, naikuwento nga ni Brenda Mage kung paano siya naka-survive noong kasagsagan ng lockdown kung saan natigil nga ang halos lahat ng trabaho sa entertainment industry.
“Ako po, hindi naman po sa pagmamayabang pero yung pandemic po naging… kung sa iba naapektuhan talaga sila during lockdown, sa side ko po medyo naging positive po yung dating sa akin,” pahayag ng komedyante.
“Kasi bukod sa pagko-comedy bar po, ang naging soure of income ko po ay ang pagba-vlog ko.
“Because ang mga tao nasa bahay lang po, mas malaki po yung chance na tumaas yung views ko for vlogging so mas lumaki yung income ko sa YouTube na hindi ko inaasahan,” chika pa ni Brenda.
Never din daw siyang naka-experience ng depression o anxiety sa gitna ng Covid-19 pandemic. Sa katunayan, sa kabila ng health crisis, nagawa pa niyang tumulong sa kanyang mga kapamilya at kaibigan dahil sa kinikita niya sa pagba-vlog.
“Hindi po ako nagkaroon ng depression o ng anxiety attack. Marami po akong friends na naapektuhan and I’m so happy kasi I was able to help them dahil ako naman ang kumikita.
“Nagkaroon din ako ng chance na magpunta sa lugar kung saan masyadong apektado. Yung iba hindi masyadong nakikita sa social media, yung iba nakikita naman, namimigay po ako ng mga relief goods galing sa mga kinita ko sa vlogs.
“Yung pamilya ko natulungan ko sa probinsya. Tapos yung mga friends kong naapektuhan kinupkop ko muna lahat sa bahay tapos ako rin ang nagsu-support sa kanila.
“Yun ang naging thankful ako kasi don ko napakita na kahit papaano kaya ko palang tumulong sa ganung paraan,” sabi pa ni Brenda Mage.
Itinituring din niyang malaking blessing ang mapasama sa comedy film na “Ayuda Babes” dahil bukod sa talent fee niya rito ay nakasama pa niya ang mga kaibigan niya sa mundo ng pagpapatawa.
Ka-join niya rito sina Juliana Parizcova Segovia, Petit, Ate Gay, Negi, Christi Fider, Dan Delgado, Berni Batin at Gardo Versoza. Mapapanood na ang “Ayuda Babes” sa iWantTFC at Ktx.PH simula sa March 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.