Heavy traffic sa Commonwealth Ave., QC mababawasan sa Disyembre | Bandera

Heavy traffic sa Commonwealth Ave., QC mababawasan sa Disyembre

Jake J. Maderazo |
Wag Kang Pikon -
February 23, 2021 - 03:22 PM

commonwealth avenue traffic

Photo: Grig C. Montegrande, Inquirer

Ito ang inaasahan ng Department of Public Works and Highways kung makukumpleto ang konstruksyon ng Katipunan Avenue Extension mula UP Town Center at lalabas sa Batasan-San Mateo Road. Ang bagong kalye ay 5.7 kilometers ang haba at may lapad na six lanes sa magkabilang direksyon. Nitong nakaraang linggo, dineklara ng DPWH na 60 percent na sila sa konstruksyon at makokompleto lahat lahat sa Disyembre.

Ito’y dadaan sa  Bgy Pansol likod ng UP Town Center, tawid ng mga pribadong subdibisyon na Loyola Grand Villas, Acropolis-Sta Lucia , Ayala Heights, Capitol Homes, Vista Real,at Filinvest-Northview hanggang lumabas sa Batasan-San Mateo road.

Ibig sabihin nito, mga 10,000 hanggang 30,000 sasakyang dumadaan ng Commonwealth Avenue araw-araw galing C5, Ateneo, Miriam, Cubao, o Marikina at Rizal  ay hindi na kailangang dumeretso ng Tandang Sora para makarating sa Batasan o tumuloy sa Fairview. Ganoon din morning rush hour kung saan  mga taga-Fairview o San Mateo na papunta ng SLEX o Pasig, Makati ay dito dadaan at hindi na sa Commonwealth Avenue.

Napakagandang balita ito dahil wala talagang “alternate route” kapag nagkabarahan sa Commonwealth Avenue walang daaanan sa nakapaligid na malalaking “private subdivisions”. Noon pang 1960 nai-plano ng gobyerno ang Katipunan avenue extension project na ito  sa panahon ni dating Presidente Carlos Garcia o bale 61 years na ang nakaraan,pero ngayon lamang natuloy. Ibig sabihin, mas makapangyarihan sa gobyerno ang mga  “private individuals” na may-ari ng mga lupa rito kaya nahaharang nila ang konstruksyon dahil sa right of way issues.

Mabuti na lamang , nagkaisa ang aksyon DPWH, MWSS, QC -MARIKINA LGUS, Asian Development Bank para sa bridge financing  at ang mga may-ari ng lupang nagbigay daan sa bagong Katipunan avenue Extension project. Saludo po kami sa inyong lahat.

(next topic)

VISAYAS AVENUE EXTENSION PAPUNTANG NOVALICHES, MATAGAL PA

Sa kabilang banda , nakakalungkot naman ang nangyayari diyan sa kabila, ang Visayas Avenue extension project mula Quezon Memorial circle na paderetso sanang Novaliches.

Ito’y sinimulan noong 2011 ng DPWH pero hanggang ngayon ay hindi umusad dahil sa “right of way” at malalakas na “private individuals”. Bukod dito,merong  628 informal settler families ang apektado na may isyu sa relokasyon kaya nababalam ang  naturang proyekto sa loob ng  sampung taon.

Kung tutuusin, malaking bawas ito sa  trapiko sa Commonwealth avenue  dahil ito lamang ang dinadaanan nila ngayon papunta ng Fairview,Novaliches bukod sap ag-iwas samatrapik na Quirino Highway. Kung mabubuksan sana itong Visayas Avenue extension, mula  sa Quezon memorial circle,  deretso ka na sa Tandang Sora, Pasong Tamo malapit sa  Himlayang Pilipino Memorial Park, tatawid ng Republic Avenue sa Barangay Sauyo at Holy Spirit, tatawid ng Tullahan River sa  Barangay Sta. Lucia bago kukonekta na sa Commonwealth Avenue, Regalado Avenue, Mindanao Avenue at  Quirino Highway, Novaliches.

Isipin niyo ang napakalaking kaluwagan na ito sa problema ng trapiko ng mga taga-Fairview-Novaliches-Bulacan at magiging apat sana ang mga ruta nilang  magagamit sa araw-araw. Commonwealth avenue, Quirino Highway at ang mga bagong kalye na Katipunan avenue Extension sa Batasan-San Mateo road at kung saka-sakali ay Visayas Avenue Extension na deretso ng Fairview Novaliches.

Sa totoo lang, marami sa atin ang umaasa pa rin sa “political will” ng mga taga-gobyerno upang mangyari ang  mga solusyong ito sa trapiko. Meron talagang haharang pero, kailangang manaig ang kabutihan ng nakararami. Kaya naman, abang-abang tayo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending