Pikon na aktor nagalit nang tuksuhin ni male celeb ang dyowa niyang aktres

Pikon na aktor nagalit nang tuksuhin ni male celeb ang dyowa niyang aktres

Reggee Bonoan |February 22,2021
share this

Pikon na aktor nagalit nang tuksuhin ni male celeb ang dyowa niyang aktres

Reggee Bonoan | February 22,2021 - 06:15 PM

TRULILI kaya na medyo napikon ang kilalang aktor sa pagbibiro ng isang male celebrity sa kanyang girlfriend na aktres sa isang show?

Nabanggit sa amin ng taong malapit sa aktres ang tungkol dito at sinabing hindi maganda ang reaksyon ng aktor sa naging takbo ng usapan tungkol sa kanyang kasintahan.

“Hindi nagustuhan ni _____ (kilalang aktor) ‘yung biro kay _____ (aktres). Sabi niya, ‘bakit may ganu’n? Bakit kasi pinag-usapan? Wala naman sa show? Hindi naman kasama.’”

Nagpaliwanag naman daw ang aktres sa kanyang boyfriend na ganu’n talaga sila kapag nagkakasama lalo na kapag off-camera, magugulo at maiingay pero wala naman daw ibig sabihin yun.

Sabi pa ng aktres, huwag na lang niyang seryosohin ang nasabing issue dahil kasama yun sa trabaho nila — ang magbiruan nang personalan at magbanggit ng mga taong may kaugnayan sa kanilang buhay.

Nag-okay lang daw ang kilalang aktor sa paliwanag ng kasintahan niya pero halatang nairita at ayaw nang marinig ang iba pang explanation o ang pangalan ng taong ibiniro sa aktres.

Ngayon lang din namin naisip na sa loob ng mahabang panahon ay hindi pa nagkikita nang mata sa mata sa anumang event o project ang kilalang aktor at ang taong ibiniro sa kasintahang aktres.

Anyway, balitang dinedma noon ang taong ibiniro sa kasintahang aktres ng kilalang aktor dahil katwiran nito ay, “Wala ka pa sa buhay ni _____ (kasintahang aktres) nang maging kami at wala akong pakialam sa ‘yo.”

Sa kasalukuyan ay hindi muna nag-uusap ang kilalang aktor at ang kasintahan nitong aktres dahil busy daw siya, pero ang duda ng taong malapit sa dalaga ay, “Iritable pa rin ‘yun. Naku, bukas okay na yan sila.”

Actually, may pagkapikon naman talaga ang kilalang aktor at feeling namin pareho rin sila ng ugali ng taong ibiniro sa kasintahan niyang aktres.
Kaya hindi na kami nagtataka kung hindi man nila gusto ang isa’t isa dahil nga pareho silang pikunin sa totoong buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending