Heart hinding-hindi malilimutan ang Hiram Na Mukha: Ang hirap kumita ng pera, super torture
KUNG may isang teleserye na itinuturing ni Heart Evangelista na pinakamahirap at hinding-hindi niya makakalimutan, yan ay ang “Hiram Na Mukha.”
Ito ang TV remake na pelikulang “Hiram Na Mukha” na pinagbidahan naman noon ni Nanette Medved kung saan ginampanan ni Heart ang role ng isang babaeng hinamak dahil sa kanyang itsura at naghiganti nang gumanda na ang kanyang mukha.
Sa pakikipagchikahan ng Kapuso actress sa beauty doctor na si Dr. Aivee Teo, inalala ni Heart ang ilang mga naging karanasan niya sa buhay at nang sumabak na siya sa pag-aartista.
Isa na nga riyan noong panahong wala na siyang magawa kundi ang magtrabaho dahil wala na siyang pera. Ito yung nagdesisyon siyang umalis na sa kanilang bahay para mamuhay nang independent.
Sa bagong vlog ni Dr. Aivee sa YouTube, may inihanda siyang pa-game para kay Heart. May ipakikita silang throwback photos at kailangang magbigay ng reaksyon ang Kapuso star.
Isa nga rito ang mga litrato ng aktres sa teleserye niyang “Hiram Na Mukha” na ipinalabas sa ABS-CBN noong 2007 kung saan nakasama niya sina Geoff Eigenmann at TJ Trinidad.
“Super prosthetics. It was the hardest thing I’ve ever done,” simulang pahayag ni Heart
“Ang hirap kumita ng pera. That was when I left my parents the first time around,” aniya pa.
Alam naman ng lahat na mula sa mayamang pamilya ang aktres —bilang anak ng restaurant magnate na si Reynaldo Ongpauco at ni Cecilia Ongpauco.
Ngunit nang lisanin nga niya ang kanilang tahanan para magsolo kinailangan niyang magbanat nang buto para kumita ng pera at mabayaran ang kanyang bills.
Naikuwento pa niya ang isang eksena sa buhay niya nang ilibre ng kanyang assistant dahil walang-wala na siyang pera at zero balance na rin ang kanyang ATM.
“Si Ate Resty naglibre sa akin sa restaurant, oo. Wala akong pera. Thirty pesos lang laman ng ATM ko, so wala akong pang-dinner. So, Ate Resty made me libre to a Japanese restaurant,” chika ni Heart.
“So, I really had to start from scratch. So, change of lifestyle din ako, from my mom to ‘simplicity is beauty,’” sabi pa ng misis ni Chiz Escudero.
“And I had to do this (Hiram Na Mukha) because I had no money at that time. It was so super torture,” sabi pa ng aktres.
Inamin din niyang hindi niya talaga na-enjoy ang nasabing serye, “No talaga. Grabe ‘yan, tinawagan ko yung manager ko. ‘I can’t do this anymore,’ kasi I had to keep the prosthetics ’til 3:00 a.m. the next day.”
“Even worse because my mom really wanted me to suffer so I would go back to her. So, talagang from all the comfort to nothing,” dagdag pa niyang chika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.