P44M jackpot sa lotto nasungkit sa Bulacan
SA Bulacan tumaya ang nanalo ng P44 milyong jackpot prize sa bola ng Lotto 6/42 Huwebes ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa bayan ng Malolos. Siya ang nag-iisang tumaya sa mga lumabas na numerong 17-09-42-29-34-36. Ang nanalo ay may isang taon upang kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Pasay. Nagkakahalaga ng P24.4 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola. Samantala, nanalo naman ng tig-24,920 ang 49 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas. Tig-P410 naman ang 2,359 na naka-apat na numero at ang nanalo ng balik-taya (P20) ay 33,557.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.