Miles Ocampo hindi pa nagkakadyowa, pero 'pag-aagawan' ng 2 aktor | Bandera

Miles Ocampo hindi pa nagkakadyowa, pero ‘pag-aagawan’ ng 2 aktor

Reggee Bonoan - January 25, 2021 - 06:26 PM

KAPAG ang isang palabas sa telebisyon ay na-extend o nagkaroon ng book 2 ay iisa ang ibig sabihin, nagri-rate ito at pinapasok ng mga commercials.

Bukod pa yan sa magagandang feedback na natatanggap ng producer at TV network kung saan ito napapanood.

Ganyan na ganyan ang nangyari sa TV series na “Paano Ang Pangako” na meron nang book 2 at nagsimula nang mapanoood noong Enero 4, 9 p.m. sa TV5.

May bago ring pasok na mga karakter sa kuwento, si Miles Ocampo na love interest ni Elijah Canlas at ang magiging karibal niyang si Kyle Velino.

Base sa kuwento ay pag-aagawan nina Elijah (Noel) at Kyle (Drake) si Miles (Isabel) kaya sa ginanap na virtual mediacon para sa tatlo ay nabanggit nilang masaya sila sa set dahil okay lahat ang mga kasama lalo’t naka-lock in taping sila sa San Pablo City.

Bagama’t si Miles ang beterana sa tatlo dahil bata palang ay umaarte na siya sa harap ng kamera ay pinasalamatan niya sina Elijah at Kyle.

“I’m very thankful na sina Elijah at Kyle ang mga kaeksena ko kasi syempre hindi mo naman puwedeng i-take (ko) lahat ng credit sa magandang performance.
“Lagi kang huhugot sa kaeksena mo kaya ang sarap na ganito yung mga katrabaho ko po, sina Elijah, Kyle and everybody po sa cast. Very supportive po silang lahat,” nakangiting sabi ng aktres.

Nagkatawanan ang lahat nang sabihin ni Miles na kahit sa teleserye raw ay maramdaman niyang pinag-aagawan siya kasi nga hindi pa niya nararanasang magkaroon ng kasintahan, meaning isa rin siyang “No Boyfriend Since Birth” or NBSB.

“Sabi po ni Lord sa akin, ‘Sige hindi mo pa mararanasan sa totoong buhay, sa teleseryeng ito ibibigay ko sa iyo dalawa. Maganda rin pong experiment for me kasi siyempre hindi ko pa nararanasan ‘yung mga sweet-sweet na eksena. Okay naman po, na-enjoy ko naman po ‘yung mga scenes namin,” masayang kuwento ni Miles.

At kapag hindi sila umaarte sa kamera ay madalas magkakuwentuhan sina Elijah at Miles at doon nila nadiskubreng marami silang “things in common” kaya hindi nila namamalayan ang oras na ang tagal na pala nilang nagtsitsikahan.

Inamin ni Miles na boyfriend material si Elijah dahil napaka-sweet, sensitive sa lahat ng bagay at maasikaso.

Nagulat nga ang dalaga nang magsabi siyang nagki-crave siya ng potato chips at ganu’n din pala ang nasa isip ng batang aktor at nagulat na lang siya na biglang may dumating sa set nila na inorder ng binata.

Siyempre para sa isang babae ay nakakahaba ng hair ang ginawa ni Elijah at kaya pala may kilig habang nagkukuwento si Miles tungkol sa bago nitong kaibigan.

Tinanong namin kung posible bang mag-level up ang friendship nila dahil pareho naman nilang sinabing boyfriend/girlfriend material ang isa’t isa.

Pero hindi kami sinagot ni Miles at napangiti lang. Pero sabi ng IdeaFirst producer cum director na si Perci Intalan, “Pareho silang malambing.”

Anyway, puring-puri nina Elijah at Kyle si Miles dahil napakagaling umarte.

Sabi ni Elijah, “Si Miles po nakaka-pressure katrabaho kasi po magaling po talaga. Masarap din siyang kausap kasi may lalim po and nakakatuwa kasi marami po kaming similarities.”

“Na-enjoy ko naman po kahit na ito yung una naming pagtatrabaho ni Miles. Kahit kasi pareho kaming taga-ABS-CBN dati hindi po kami nagkaroon ng pagkakataon magkatrabaho. Okay naman po, marami po akong natututunan kay Miles,” sambit naman ni Kyle.

Samantala, natanong namin si PMI (tawag namin kay direk Perci) kung posible bang magkaroon ng book 3 ang “Paano Ang Pangako.”

“Why not, depende sa tulong n’yo (media) para mabasa at panoorin ng marami,” saad ng direktor.

Kapag maganda ang material susundan ito ng manonood at tumayming nga dahil ang tao ay bihirang lumabas dahil sa COVID-19 pandemic at mas gusto nilang manood ng telebisyon o sa online platforms.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ang “Paano Ang Pangako” ay handog ng The IdeaFirst Company at Cignal Entertainment, sa direksyon nina Eric Quizon, Ricky Davao at Perci Intalan na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending