Ate Guy kumasa sa hamon bilang all-out kontrabida; Janine game kayang sampalin ang Superstar? | Bandera

Ate Guy kumasa sa hamon bilang all-out kontrabida; Janine game kayang sampalin ang Superstar?

Ervin Santiago |January 21,2021
facebook
share this

Ate Guy kumasa sa hamon bilang all-out kontrabida; Janine game kayang sampalin ang Superstar?

Ervin Santiago - January 21, 2021 - 09:37 AM

EXCITED na ang mga Noranians sa napabalitang bagong proyekto ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi makalipas ang 50 taong pamamayagpag sa mundo ng telebisyon at pelikula, tumanggal ng all-out kontrabida role si Ate Guy.

Hindi raw nagdalawang-isip ang award-winning actress na tanggapin ang pelikulang “Kontrabida” na ididirek ni Adolf Alix, Jr.. Sa katunayan, super excited na raw ang Superstar sa shooting ng pelikula.

Kuwento ni Direk Adolf, ang “Kontrabida” ay base sa istorya ng  veteran writer na si Jerry Gracio at ipoprodyus ng Godfather Productions ng dating aktor na si Joed Serrano.

“Sabi niya first time niyang makakagawa ng all-out kontrabida role, dahil ‘yung mga dati puro gray roles na character. Excited siya rito and I am glad she is taking the risk,” chika ni Direk Adolf sa panayam ng ABS-CBN.

“Ate Guy’s role will be a composite character,” dagdag pa ng direktor. Makakasama rin dito sina Rosanna Roces, Bembol Roco at isang Kapamilya star na mabibigyan ng chance na masampal si Ate Guy sa isang bonggang eksena sa pelikula.

Hindi naman diretsahang sinagot ni Direk kung ang apo ba ni Ate Guy na si Janine Gutierrez ang timutukoy na Kapamilya actress na sasampal sa karakter ng Superstar sa “Kontrabida.”

“Actually napagsama ko na sometime in 2017 sina Ate Guy, Lotlot, and Janine, so tingnan natin,” sabi ng direktor na ilang beses na ngang nakatrabaho ang Superstar kabilang na riyan ang “Whistleblower,” “Padre de Familia,” “Kinabukasan,” (short fim) at sa isang episode ng GMA drama anthology na “Karelasyon.”

Samantala, sinabi rin ni Direk Adolf na ang pelikulang ito ay magsisilbi ring tribute para sa yumaong  veteran actress na si Anita Linda. Ang pangalan kasi ni Ate Guy sa movie ay Anita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending