Kasunduang nagbabawal sa walang pahintulot na operasyon ng pulis, militar sa UP, ibinasura ng DND
Karlos Bautista - Bandera January 19, 2021 - 11:14 AM
Lorenzana na ang kasunduang nilagdaan noon pang 1989 ay nagiging sagabal sa operasyon ng pamahalaan laban sa rebeldeng komunista, lalupa sa ginagawa nito umanong pag-recruit ng mga kadre sa mga mag-aaral ng UP.
“The agreement has become obsolete. The times and circumstances have changed since the agreement was signed in 1989, three years after the martial law ended,” ayon kay Lorenzana sa hiwalay na pahayag.
Sinabi ni Lorenzana na batid ng DND na may nangyayaring palihim na recruitment ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ng armadong grupo nito, ang New People’s Army (NPA), sa mga campus ng UP sa buong bansa.
Ayon kay Lorenzana, ang mga pangyayari kamakailan lamang ay nagpapatibay na “may mga estudyante ng UP na na-identify na CPP-NPA, ilan sa kanila ay napatay sa mga operasyon ng militar at pulis.”
Sinabi ni Lorenzana na sa pagbasura ng kasunduan ay hindi nangangahulugan na magtatayo sila ng police o military outpost sa loob ng mga campus ng UP “o dili kaya ay susupilin ang mga grupong aktibista, kalayaan sa akademya, at kalayaan sa pamamahayag.”
Ang UP ay may walong constituent universities at apat na basic education schools na matatagpuan sa loob ng 15 campus sa buong bansa.
Ibinasura ng Department of National Defense (DND) ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa pagsasagawa ng anumang operasyon ng pulis o militar sa loob ng campus na walang abiso sa administrasyon ng pamantasan.
Sa sulat kay UP President Danilo Concepcion noong Enero 15, sinabi ni Defense Secretary Delfin Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending