Arci ibinida ang pagiging ‘reservist’, binarag ang epal na basher

Arci ibinida ang pagiging babaeng ‘reservist’, binarag ang epal na basher

Pauline del Rosario - June 14, 2024 - 02:30 PM

Arci ibinida ang pagiging babaeng ‘reservist’, binarag ang epal na basher

PHOTO: Instagram/@ramonathornes

KASABAY ng pagpupugay sa Araw ng Kasarinlan, ibinida ng aktres na si Arci Muñoz ang kanyang pagiging Philippine Air Force reservist.

Ipinagdiriwang din kasi niya ang apat na taon mula nang matapos niya ang Basic Citizen Military Training (BCMT).

Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang ilang pictures habang nakasuot ng military uniform, pati na rin ang ilang throwback moments ng kanyang training noon.

Proud pang sinabi ni Arci na siya ang kauna-unahang babaeng artista na naging military reservist.

“Apat na taon na ang lumipas nang aking unumpisahan ang pisikal na pagsasanay bilang kauna-unahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training,” caption niya kalakip ang ilang litrato na suot ang kanyang military uniform at throwback moments ng naging training.

Baka Bet Mo: Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’

Inihayag din ng aktres ang kanyang pagkatuwa dahil mas marami na raw ang gustong maki-join sa pagiging sundalo.

“Simula rin noon ay tumaas ang bilang ng mga nag pa tala bilang #reservist lalo na sa mga kababaihan,” wika niya sa post.

Aniya pa, “Ako ay nagagalak dahil nagampanan ko ang aking layunin at tungkulin na mahikayat ang aking kapwa na maging bahagi ng #sandatahanglakas at makatulong pa sa aking mga kababayan. Higit pa ay para isulong ang kapayapaan.”

Mensahe pa ni Arci, “Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan niyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo. Saludo ako sa inyo!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arci Muñoz 🌸らもな 🌻라모나 (@ramonathornes)

Maraming celebrities at fans ang humanga at bumilib sa aktres, pero agaw-pansin ang isang epal na basher.

Komento ng hater, “Question is, will you tread to mud and bleed when the time comes to save our sovereignty. So easy to look tough on socmed.”

Hindi naman ‘yan pinalampas ni Arci at deretsahan niyang sinagot ito: “Question is, did ya even try to make an effort in serving your country? Do you even know why reservist exist? And our duty?”

Ani pa ng aktres, “Being in the force doesn’t mean you need to go to war for me it’s more of promoting peace. It’s so easy to talk shit and look tough on socmed no?”

Arci ibinida ang pagiging babaeng ‘reservist’, binarag ang epal na basher

PHOTO: Screenshot from Instagram/@ramonathornes

Maraming netizens ang nag-reply sa sagutan na ‘yan ng basher at ni Arci at karamihan sa kanila ay ipinagtanggol ang huli.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin: 

“SLAAAYYY [sparkle emoji] Kung sino pang walang ambag sa peace & order ng bansa, sila pang madaming satsat noh [crying emoji] SHAMELESS DUDE.”

“Oh ano? Napahiya kang k*m*g ka. Lakas ng loob mo mag comment, *b*b ka naman. Wala ambag sa lipunan. Pwe”

“Pala comment ka kasing aswang ka. Muka ka namang maasim”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baka nga kahit ROTC di mo napagdaanan kaya manahimik ka na lang!”

Kung matatandaan, taong 2020 nang opisyal na makuha ni Arci ang titulong “sergeant” matapos makumpletio ang Basic Citizen Military Training sa Clark Air Base.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending