BTS Jung Kook miss na miss na ang fans: 'I’m doing well'

BTS Jung Kook ‘nagparamdam’, miss na miss na ang fans: ‘I’m doing well’

Pauline del Rosario |March 18,2024
facebook
share this

BTS Jung Kook ‘nagparamdam’, miss na miss na ang fans: ‘I’m doing well’

Pauline del Rosario - March 18, 2024 - 04:58 PM

BTS Jung Kook ‘nagparamdam’, miss na miss na ang fans: 'I’m doing well'

PHOTO: Instagram/@bighit_ent

TATLONG buwan bago matapos sa mandatory military service, biglang nagparamdam si Jung Kook, ang isa sa miyembro ng K-Pop sensation na BTS, upang magbigay ng life update.

“ARMYs, are you guys doing well? I’m doing well,” sey ni Jung Kook sa pamamagitan ng global fan communication platform na Weverse.

Ayon sa BTS member, maliban sa military activities ay gumagawa rin siya ng mga ilang gawaing bahay katulad ng paglilinis at pagluluto.

“I’ve been working out,” pag-update niya.

Patuloy niya, “I’ve also been cleaning even the ceilings. I’m also cooking.”

Baka Bet Mo: Sarah wish maka-collab si BTS Jung Kook, excited na sa ‘Global Force Award’

Sa huli, inamin din niya na miss na miss na niya ang kanyang fans.

“It’s mid-March already. I will update you again soon. I miss you guys a lot. Salute,” aniya.

Sa June 11 na matatapos ang serbisyo ni Jung Kook sa army ng South Korea.

Kung maaalala, noong December 12 nang inumpisahan niya ang enlistment kasama ang isa pang miyembro na si Jimin.

December 11 naman nang sumabak sa military service sina RM at V.

Si J-Hope ay sumalang noong April last year, si Suga ay noong nakaraang Setyembre at si Jin naman ay noon pang December 2022.

Mukhang malapit-lapit nang matapos ang ilang BTS members na nakatakdang bumalik sa music industry sa taong 2025.

Alam naman ng lahat na required talaga sa South Korea ang military service sa mga lalaki pagtungtong ng edad 18 hanggang 28.

Samantala, kahit nasa serbisyo si Jung Kook ay patuloy pa rin siyang lumalaban pagdating sa song charts.

Katulad na lamang ng single niyang “Standing Next To You” na 18 consecutive weeks nang nasa Billboard Hot 100.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gayundin ang kanyang album na “Golden” sa Billboard 200 na record-breaking para sa isang K-Pop solo artist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending