BTS RM naka-military band uniform at may saxophone viral na

BTS RM naka-military band uniform at may saxophone viral na

Pauline del Rosario - February 19, 2024 - 05:20 PM

BTS RM naka-military band uniform at may saxophone viral na

BTS RM

KAHIT abala sa mandatory military service ng South Korea, hindi pa rin nakakatakas sa mata ng publiko si RM, ang isa sa miyembro ng K-Pop sensation na BTS.

Kumakalat ngayon sa X (dating Twitter) ang litrato ng global K-Pop star na kabilang sa military band.

Makikita sa viral photo na suot ni RM ang pulang military band uniform at may hawak pa siyang saxophone.

As of today, ang nasabing picture ay umaani na ng 20,000 likes at 4,000 reposts.

Ayon sa uploader, nakuha niya ang picture ng Korean idol sa isang kaibigan na dumalo sa isang event.

“I received a photo of Nam-joon (better known as RM) from an acquaintance who attended the military’s basic training completion ceremony,” caption sa viral picture.

Baka Bet Mo: BTS RM sa kumakalat na ‘Islamophobic controversy’: I respect every belief and religion!

BTS RM naka-military band uniform at may saxophone viral na

PHOTO: X (former Twitter)

Ang nasabing seremonya ay bukas lamang sa immediate family o kaibigan ng mga sundalo na naka pre-registered.

Noong Enero lamang, nakumpleto na ni RM at ng co-member niya na si Taehyung ang five weeks basic training sa Korea Army Training Center na nasa Nonsan.

Pagkatapos niyan ay inilipat si RM sa Gangwon Province at kalauna’y napiling maging miyembro ng military band, ayon sa ilang source.

Ang military service ng dalawang nabanggit na BTS members ay makukumpleto sa June next year.

Samantala, ang oldest member na si Jin ay matatapos na sa darating na Hunyo.

Ang buong grupo ay inaasahang magbabalik sa music industry sa taong 2025.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ilalim ng batas ng South Korea, ang lahat ng lalaki ay required sumalang ng at least 18 months o mahigit isang taon ng military service dahil na rin sa patuloy na banta ng North Korea sa kanilang bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending