BTS RM sa kumakalat na ‘Islamophobic controversy’

BTS RM sa kumakalat na ‘Islamophobic controversy’: I respect every belief and religion!

Pauline del Rosario - September 04, 2023 - 04:21 PM

BTS RM sa kumakalat na ‘Islamophobic controversy’: I respect every belief and religion!

PHOTO: Instagram/@rkive

NAGSALITA na si RM, ang rapper at leader ng K-Pop sensation na BTS, sa kumakalat na isyu patungkol sa kanya.

Ito ‘yung “islamophobic controversy” matapos niyang ibandera sa social media ang kantang “Bad Religion” ng American singer na si Frank Ocean noon pang Agosto.

Para sa mga hindi masyadong aware, ang nasabing 2012 song ay tungkol sa pagmamahal sa relihiyon, ngunit may mensahe umano ito na may pagka-islamophobia ayon sa ilang mga tagapakinig.

Dahil nga sa pag-share ni RM ng nasabing awitin ay marami ang kumondena sa Korean star.

Marami ang nagsasabing nakakainsulto ang ginawa ni RM at nagde-demand pa sila sa rapper na humingi ng tawad sa mga Muslim.

Baka Bet Mo: Jed na-shock nang pusuan ni BTS RM ang kanyang post: Ang init ng tenga ko at nagpa-palpitate!!!

Ayon naman kay RM, hindi niya intensyong manginsulto ng relihiyon.

“You keep telling that I insulted a religion, but I didn’t,” sey ng Korean idol sa pamamagitan ng Weverse live broadcast.

Paliwanag pa niya, “There was no intention or purpose to insult a religion. I respect every belief and religion. That’s all I could say.”

Patuloy niya, “I understand what’s going on on my Instagram. I can see. But there was no such purpose or even at least one percent of intention in my heart to insult a religion.”

Iginiit din niya na hindi siya hihingi ng sorry dahil alam niyang wala siyang ginawang masama.

“I’m not apologizing. I’m just saying. I have my own soul. I’m 30 years old. I can express my truth… Please, the word is the word; it is what it is,” sambit niya.

Dagdag pa niya, “Please believe my words from myself, not just guessing, pretending and assuming.”

Nabanggit din ni RM na hindi na niya kayang tiisin ang paulit-ulit na “misunderstandings” o hindi pagkakaunawaan sa loob ng isang dekada ng kanyang karera.

“I didn’t want to say about this but some people just made me say about this. I just can’t stand right now,” tugon niya.

Ani pa niya, “I’ve been holding my things in my heart for 10 years. But now I can’t deal with this. I just have to say. If it’s me, believe my own words.”

“Problems happen but I am a strong man,” saad niya.

Kung maaalala, noong Hunyo ng nakaraang taon nang huling naglabas ng album na “Proof” ang BTS at pagkatapos niyan ay inanunsyo na nila na sila ay pansamantalang maghihiwalay upang makapag-focus sa kani-kanilang solo career at military duties.

Related Chika:

BTS members na tinamaan ng COVID-19 nagpaalala sa mga fans: Don’t worry too much

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga walang-wala sa kabaitan at pagiging humble ni Joseph Marco: ‘Never ko siyang nakitaan ng attitude’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending