Jed na-shock nang pusuan ni BTS RM ang kanyang post: Ang init ng tenga ko at nagpa-palpitate!!! | Bandera

Jed na-shock nang pusuan ni BTS RM ang kanyang post: Ang init ng tenga ko at nagpa-palpitate!!!

Ervin Santiago |March 02,2022
facebook
share this

Jed na-shock nang pusuan ni BTS RM ang kanyang post: Ang init ng tenga ko at nagpa-palpitate!!!

Ervin Santiago - March 02, 2022 - 10:52 AM

BTS RM at Jed Madela

SHOOKT na shookt ang award-winning OPM artist na si Jed Madela nang pusuan ni RM, isa sa member ng K-pop group na BTS ang kanyang mensahe.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Jed na napansin ng sikat na sikat na Korean singer ang ipinadala niyang art toy sa pamamagitan ng direct message.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapamilya singer ang naging reaksyon niya matapos bigyan ng importansya ng BTS member ang effort niya.

“Even the smallest gesture can already be a huge thing for someone… for me,” ang simulang pahayag ni Jed na isa ngang certified BTS fan.

Sey pa ng binata, kahit “heart” lang ang naging reply sa kanya ni RM, napakalaking bagay na raw ito para sa kanya. Enough na raw na binuksan at binasa nito ang message niya.

“Today, I was over the moon when I saw that RM of BTS has ‘SEEN’ a pic I sent him last December; a photo of an art toy I made, knowing that he collected art toys.

“That ‘seen’ was enough for me…but today, before sleeping, I sent him another photo of the BTS-inspired VuDu art toys I made… and he responded with a heart!” aniya pa. 

Dagdag pa niya, “Sorry, guys. I’m fanboying. Yeah, I’ve met international artists in the past but when you ‘connect’ with someone you really adore, it’s different!” 

“Now, I can’t sleep… I’m happy,” sabi pa ni Jed Madela.

Bukod dito, nag-post din ang biriterong performer sa kanyang Twitter account tungkol kay RM, “Guys!!! Ang init ng tenga ko at nag papalpitate!!! Ikaw ba naman lagyan ng (heart emoji) ang picture na pinadala mo sa isa sa miyembro ng pinakamalaking boy group sa mundo?!!! Hindi lang SEEN, guys!!! May pa-(heart emoji) na!!! Ngayon lang!!! Waaaaaaaaahhhhh!!!”

View this post on Instagram

A post shared by Jed Madela (@jedmadelaofficial)


Kasunod nito, nakiusap naman si Jed sa kanyang followers na huwag nang patulan o makipag-away sa mga kapwa niya ARMY (tawag sa fans ng BTS) na kumukuwestiyon sa authenticity ng kanyang mga post.
 
Ayon sa ilang fans ng award-winning Korean group imposible raw na matanggap at mabasa ni RM ang message ni Jed dahil hindi naman siya pina-follow ng K-pop superstar.

“Hayaan nyo na yung mga ayaw maniwala. Kasali ka dito @harusobok sa happiness ko. Let them be.

“Armyyyy!!! Wag na natin pansinin mga ayaw maniwala at mga nega. Let us all be happy! Let them think what they want to think,” mensahe ni Jed.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At para patunayan na totoo ang kanyang mga post, inilabas ni Jed ang “resibo” at ipinost ang screenshot ng reaksyon ni RM sa direct message niya, “Ayan. Happy?”

Jed masama ang loob dahil hindi makakanood ng BTS concert: I already had a ticket pero…

BTS members RM at Jin tinamaan din ng COVID-19, Pinoy fans tuloy ang pagdarasal

Jed nakakaranas ng anxiety attacks; relate sa kuwento ng BTS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending