Mommy Pinty sa pagpapakasal ni Alex: Congrats to my bunso! Pwede na maputokan! | Bandera

Mommy Pinty sa pagpapakasal ni Alex: Congrats to my bunso! Pwede na maputokan!

Ervin Santiago - January 17, 2021 - 05:58 PM

TAWANG-TAWA ang mga netizens sa nakakalokang mensahe ni Mommy Pinty Gonzaga para sa anak na si Alex Gonzaga matapos ang announcement nito tungkol sa kasal nila ni Mikee Morada.

Nag-react ang nanay ni Alex sa kanyang post tungkol sa intimate wedding nila ni Mikee na ginanap sa bahay nila noong November, 2020.

Sabi ni Mommy Pinty, “Congrats to my bunso! Pwede na maputokan.” Na diretsahan namang sinagot ni Alex ng, “Anong pwede na? Tapos na!”

Sunud-sunod naman ang comments ng netizens sa palitan ng mensahe ng mag-ina. Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na reaksyon ng mga supporters ni Alex.

“Hahaha! Natawa ako kay mommy pinty comments but wow congrats im so happy for u both Our bless you both and always stay happy!”

“Kung ganito magiging anak ko, gagayahin ko si mommy pinty promise! The best mommy!”

“Buntis na nga mommy pinti huli kana! Congrats Alex Gonzaga!!!”

“Sa dami ng mapuputukan ngayon valentine’s day!!! Kawawa naman kaming mga hindi. Congratulation both! Best wishes Alex G.”

“May vlog na sya knina…ngaun lang yata aq napaiyak sa lahat ng vlog ni alex na napanuod q .. congrats mikee and alex. best wishes to both you. more babies to come.”

“Yan ang magandang magulang. magaling at marunong magpalaki ng anak may deseplina talaga at may paninindigan bago Sarap ay Kasal muna, swerte si Alex kasi ganyan ang magulang niya at swerte din ang  magulang  ni alex kasi sinusunod sila ng anak nila.”

“Pero alam niyo guys kahit maganda yung pagpapalaki sayo kung nakakatagpo kayo ng lalaking  walang kwenta o kaya sarap muna bago kasal na hindi makaantay walang magagawa ang mga magulang kahit na ilang beses pa silang magsabi na kasal muna.”

“Pero swerte si alex kasi nakatagpo siya ng lalaki na may malaking respeto sa magulang niya  at sa future wife niya. SANA ALL GANYANG LALAKI  KASAL MUNA BAGO SARAP. CONGRATs po sa bagong Kasal and godbless.”

Ibinandera ni Alex sa bago niyang vlog ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Mikee, “Isa na po akong maybahay. Isa na po akong wife. Mrs. Morada na po ako.”

Kasabay nito, nag-sorry din siya sa mga netizens dahil ngayon lang nila inamin ni Mikee na mag-asawa na sila. Aniya, “We want to celebrate together as a family muna and siyempre, alam namin na iyong timing din, saka alam namin na may pandemic.

“So, we just wanted to keep it for ourselves for a little while, to celebrate kaya… miss ko na itong mokong na ‘to! Haha! Ano, masaya?” Na sinagot naman ni Mikee ng,  “Masaya.”

Sagot naman ni Alex, “Finally, nakakatabi ko na siyang matulog, yehey! Nakakatulog na siya sa kuwarto ko!”

“Tonight is the night, when two become one. Sana naka-prepare ka kasi talagang magkakalumpuhan tonight.

“But in all honesty, I praise God and I thank Jesus for you because you made a little girl’s dream come true,” sey pa ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Mikee, “Haping-happy ako na ikaw ang binigay sa akin ni Lord. And I promise to take care of you gaya nung una kitang tinanong. I promise to take care of you always and to protect you. I love you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending