Richard Gomez pinuna ang itsura, 'di na mala-Adonis ang dating?

Richard Gomez pinuna ang itsura, hindi na mala-Adonis ang datingan?

Therese Arceo - June 12, 2024 - 05:07 PM

Richard Gomez pinuna ang itsura, hindi na mala-Adonis ang datingan?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ant mga kuhang larawan ng aktor at 4th District of Leyte Rep. Richard Gomez dahil tila wala na raw bakas ang pagiging “matinee idol” nito noon.

Sa katunayan ay isa sa mga nagbigay komento ukol rito ay ang writer at director na si Ronaldo Carballo.

Ang kanyang opinyon ay ibinahagi niya sa kanyang Facebook account.

“Matagal ko na syang hindi nakikita. Ganito na ba talaga ang itsura ni Richard Gomez now at 58?” panimula ni Ronaldo sa kanyang post kalakip ang larawan ni Goma.

Dagdag pa niya, “Parang masyado naman nyang in-internalized ang kanyang pagiging Farmer at Pulitiko sa Probinsya.”

Baka Bet Mo: Richard Gomez, Dawn Zulueta naghiwalay dahil sa sikat na aktor, nagsolian noon ng regalo?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)

Napuna rin niya ang mahabang buhok ng actor-politician.

“Hindi man lang makapagpa-haircut. Naku, kung hindi sana sya nag-Pulitiko, aktibo pa rin sana syang leading man sa TV at Pelikula at magandang lalaki pa rin sya hanggang ngayon,” chika pa ni Ronaldo.

Aminado rin siya na miss na niya ang kaibigan sa paglabas sa mga serye at pelikula.

“Nakaka-miss ang kaibigang aktor at nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino,” hirit pa ni Ronaldo sa frenny niyang si Richard.

Sa comment section ay makikitang sinabi rin niya na sana alagaan ng actor-politiciam ang sarili.

Hiling rin niya na sana ay i-monitor rin ng celebrity-politician na si Lucy Torres ang pisikal na pangangatawan ni Richard.

“Ok lang kung medyo tumambok ang tyan. wag lang pabayaan ang sarili na mukhang gusgusin o very untidy. hindi naman komo di na sya naga-artista pababayaan na nya ang looks nya na pwede pa naman i-maintain.

“Sana as a wife, inaalagaan at minu-monitor din ni lucy ang itsura ni Goms [Richard]. Magpa-haircut man lang,” hirit ni Ronaldo.

Marami rin sa nga netizens ang nagbigay rin ng komento ukol sa opinyon ng writer-director.

“Nagulat nga ako. Ganyan na bigla. Tapos medyo lumaki na rin ang kanyang tiyan, dun sa video minsang sumasayaw sila ni Lucy,” sabi ng netizen sa kanyang obserbasyon kay Richard.

Ang ilan pa ay pinuna ang kanyang buhok at pinayuhan siyang magpagupit.

“D na sya conscious sa itsura nya kc d na sya nag aartista, si Aga super groom pa rin kc lumalabas pa rin, si Robin nagpatubo na ng makapal na bigote kc d na rin lumalabas”

May nagtanggol rin sa aktor at sinabing abaka ito sa mga responsibilidad bilang ama pati na rin sa kanyang mga nasasakupan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami ang naglabas ng kani kanilang komento at saloobin sa nagviral na larawan ni Richard Gomez kamakailan lang. Sa aking pananaw, may mga araw talaga na hindi maayos ang ating itsura at nagmumukhang losyang pero hindi ibig sabihin na pinababayaan na natin ang ating sarili o napabayaan na ng ating partner sa buhay.

“Gwapo pa rin si Richard Gomez kahit ito ay may edad na at higit na nakadagdag sa kanyang pagkatao ang pagiging loyal sa asawa at mabuting padre de pamilya. Huwag tayong manghusga sa kung ano nakita nating itsura sa mga sandaling iyon bagkus ay dapat natin maintindihan na hindi araw araw tayo ay maganda o gwapo sa paningin ng iba,” saad sa isang Facebook post ng Trending Topics blog.

Samantala, wala pa namang pahayag si Goma tungkol sa isyu ng kanyang physical appearance.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending