Alex kay Toni, Mommy Pinty: Love you kahit laging galit sa bahay!

Sey ni Alex kay Toni, Mommy Pinty: Love you kahit laging galit sa bahay!

Pauline del Rosario - May 12, 2024 - 12:08 PM

Sey ni Alex kay Toni, Mommy Pinty: Love you kahit laging galit sa bahay!

PHOTO: Instagram/@cathygonzaga

ISANG nakakaantig na mensahe ang ibinandera ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga para sa kanyang ina na si Mommy Pinty at kapatid na si Toni ngayong ipinagdiriwang ang Mother’s Day.

Sa Instagram, ibinandera ni Alex ang isang kwelang video na tila kumasa sa isang laro ang tatlo kasama ang kanilang padre de pamilya na si Daddy Bonoy.

“Happy mother’s day to the two best moms I look up to!” pagbati niya sa ina at kapatid.

Caption pa niya, “Because of these two women, I realized that being a mother means you are willing to sacrifice everything for your family.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza napahiya sa ka-date na ‘sugar baby’ dahil daw kina Alex at Mommy Pinty

Kasunod niyan ay may maikli siyang mensahe para sa lahat ng mga nanay:

“Happy Mothers day din sa lahat ng ating mga nanay!! We love you kahit lagi kayo galit sa bahay! [laughing, heart hands emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Sa comment section, maraming netizens ang aliw na aliw sa video ni Alex, lalo na kay Mommy Pinty.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Ang cute talaga ni Mommy Pinty lagi ako[ng] napapatawa ng malakas [laughing emoji]”

“Their video is my happy pill! Always makes me [laugh]! Happy Mother’s day!”

“Happy family talaga sila! Good influence to everybody [red heart clapping hands emojis]”

“Namura ka tuloy HAHAHA! Happy Mother’s day po! [red heart emojis]”

Magugunitang dalawang beses nang nakukunan si Alex –ang una ay noong October 2021 at ang sumunod ay noong Nobyembre ng nakaraang taon nang sinubukan ng mag-asawa ang in-vitro fertilization.

Noong Pebrero, ibinunyag ni Alex na nagtungo na siya sa isang immunology doctor upang ihanda ang kanyang katawan sa muling pagbubuntis.

Noong Marso naman, ibinandera ng aktres ang kanyang payo para sa couple na tulad nila ng mister na si Mikee Morada na hindi pa nagkaka-baby.

“Habang wala pa[ng anak], alagaan muna ang isa’t-isa,” caption niya kalakip ang sweet video ng mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Sa aming mga kapwa mag-asawa nag-aantay. Eto na malapit na in Jesus’ name [folded hands emoji].”

Matatandaan taong 2020 nang ikinasal sina Alex at Mikee sa isang private wedding na ginanap sa Gonzaga residence sa Taytay, Rizal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending