Janine Gutierrez pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN
FINALLY, winelkam na ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang premyadong aktres na si Janine Gutierrez.
Napanood namin ang video post ng Dreamscape head na si Sir Deo T. Endrinal, sa kanyang Instagram account habang sinusulat namin ang balitang ito.
“New Year, New Kapamilya, From a Celebrity Family,” ang titulo ng video post ni Sir Deo kung saan ipinakita ang ilang pagkakataong kasama ni Janine ang mga magulang niyang sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon, mga lolang sina Pilita Corrales at Nora Aunor.
Ipinakita rin ang mga magazine na naging cover girl si Janine, tulad ng Vanity Fair, Preview, Rogue, Scout, MakeUp, Suitcase, Mega, Star Style.
May video clips din ng mga pelikulang nagawa ni Janine kung saan nga siya nakatanggap ng awards, tulad ng “Elise”, “Lila”, “Dagsin”, “Babae at Baril”(Outstanding Indie Film Actress of the Year mula sa Laguna Excellence award, Best Actress QCinema International Film Festival, Best Actress Urduja Heritage Film Awards, Gawad Urian Best Actress at FAMAS best Actress).
Ang caption ni DTE sa kanyang IG post, “Welcome to ABS-CBN and thank you for the trust, @janinegutierrez @leovdominguez @rey_lanada.”
Kaya pwede na talagang sabihing, “Janine is now a Certified Kapamilya!”
Ayon sa aming source, pormal nang pumirma ng kontrata ang aktres sa ABS-CBN ngayong araw, Biyernes na dinaluhan ng mga executives ng network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.