Taiwanese vlogger na kasosyo ni Toni Gonzaga sa negosyo ng di rehistradong pabango, nanganganib ma-deport | Bandera

Taiwanese vlogger na kasosyo ni Toni Gonzaga sa negosyo ng di rehistradong pabango, nanganganib ma-deport

|January 15,2021
facebook
share this

Taiwanese vlogger na kasosyo ni Toni Gonzaga sa negosyo ng di rehistradong pabango, nanganganib ma-deport

- January 15, 2021 - 02:46 PM

 

Screengrab mula sa Instagram ng Taiwanese vlogger na si Penelope Pop

Isang sikat na vlogger at social media influencer ang nanganganib na mapatalsik sa bansa matapos itong madawit sa pagbebenta at pagi-endorse ng cosmetic products na walang certification mula sa Food and Drug Administration o FDA.

Kinilala ang vlogger na si Winnie Wong, alyas Penelope Pop, na ayon sa FDA ay ka-partner ni Toni Gonzaga sa pagbebenta ng di rehistradong cologne spray.

Sa isang liham kay Attoney Ronaldo Ledesma, Chairman ng Board of Special Inquiry ng Bureau of Immigration, sinabi ng grupong Action for Consumerism and Transparency (ACTION) na si Wong isang Taiwanese na ang totoong pangalan ay Yun-i Wang.

Lumabas rin anila ang balita na si Wong ay nakatira sa Pilipinas gamit ang Special Investors Residence Visa. Ibig sabihin nito, bawal siyang magtrabaho bilang endorser at bawal rin itong magbenta ng retail products, tulad ng cosmetics.

Sa kabila nito, nabuko rin ng FDA na nagbebenta si Wong ng pabango na nagngangalang “Pouf!” nang walang permiso o testing mula sa FDA.

Sinabi rin ng FDA na posibleng naglalaman ang pabango ni Wong ng “heavy metals” na delikado sa kalusugan na gumagamit nito.

Dahil dito, naglabas kamakailan ng babala ang FDA sa publiko na huwag bumili ng nasabing produkto.

Nadawit rin sa sa isyu na ito ang aktres na si Gonzaga, dahil kasosyo umano ito ni Wong sa kumpanyang TGWW na nangangasiwa sa pagtitimpla at pagbebenta online ng nabanggit na produkto mula mimso sa bahay ni Wong sa Number 7, North Park Kawayan Street, Forbes Park, Makati.

Ayon kay Action Secretary General Vito Gaspar Silo, may responsibilidad ang pamahalaan na pangalagaan ang kaligtasan ng consumers.

Dahil dito, sapat na ang expose ng FDA ukol kay Wong, para ito ang nasabing vlogger at influencer ay mai-deport palabas ng Pilipinas at pabalik sa Taiwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending