Mga alkalde, gobernador malayang pumili ng bibilhing bakuna vs Covid-19 – Duterte | Bandera

Mga alkalde, gobernador malayang pumili ng bibilhing bakuna vs Covid-19 – Duterte

Angellic Jordan - January 14, 2021 - 07:27 AM

Reuters

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malayang pumili ang mga alkalde at gobernador kung ano ang bibilihing bakuna laban sa Covid-19.

Sa pulong kasama ang Cabinet members, sinabi ng pangulo na maaaring pumili ng kukuning bakuna ang mga nasabing opisyal ng gobyerno para sa kanilang mga nasasakupan.

“I’m now addressing to the mayors and governors. You can choose any vaccine you like to buy. Wala kaming pakialam kung ano ang pipiliin ninyo,” pahayag ni Duterte.

“Maraming local government units who opted to go on their own. Sila ang magbili, may pera sila, at sila ang mamili ng kanilang vaccine or whatever,” dagdag ng pangulo.

Hindi naman aniya pipilitin ang lahat na makiisa sa ibibigay na bakuna ng national government.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending