Hindi otorisadong paggamit ng bakuna laban sa Covid-19 pinaiimbestigahan ng DOJ
Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang paggamit ng Presidential Security Group ng hindi rehistradong Covid-19 vaccine.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, maaring may mga batas na nalabag sa pag-administer ng bakuna.
Inatasan ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang paggamit ng bakunang Sinopharm at kung paano ito naipasok sa Pilipinas.
Una nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pa itong inaaprubahang anumang bakuna kontra Covid-19 para magamit sa bansa.
Ayon kay Guevarra, ang utos niya sa NBI ay “general” at hindi layong idiin ang PSG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.