Kyla, Jay-R nagkalabasan ng feelings; Mica Javier umaming nagselos | Bandera

Kyla, Jay-R nagkalabasan ng feelings; Mica Javier umaming nagselos

Ervin Santiago |December 16,2020
facebook
share this

Kyla, Jay-R nagkalabasan ng feelings; Mica Javier umaming nagselos

Ervin Santiago - December 16, 2020 - 09:14 AM

NAGKAAMINAN na sa wakas ang King and Queen of R&B na sina Jay R at Kyla!

Yes, totoo ngang naging crush nila noon ang isa’t isa lalo na noong kasagsagan ng kanilang career as music partners.

“Nu’ng lumipat ako sa Pilipinas, I was in a long-term relationship na. Nakilala ko si Ky at naging magkaibigan kami,” panimulang pahayag ni Jay-R nang mag-guest sila ni Kyla sa “Magandang Buhay”.

“You know siyempre habang kapag nagkikita kami sa trabaho at parang naging idol ko na rin si Ky, medyo you know I was a little bit having a crush, but I couldn’t,” pag-amin pa ng OPM singer-record producer.

“Siyemre dahil naging magkaibigan kami I developed a respect for Kyla and siyempre may girlfriend ako, hindi ko naman puwedeng i-pursue ‘yung ganu’n.

“It’s so disrespectful to my friend and, of course, to my girlfriend at that time. But I had a crush on Ky for sure in the beginning,” patuloy pang chika ni Jay-R.

Ayon naman kay Kyla, na-attract din siya noon sa Pinoy R&B King pero hindi rin daw ito nagtagal, “Ako naman para sa akin parang ang hurtful naman kung sasabihin ko na hindi ako nagka-crush dito.

“Parang hindi naman siya kanais-nais na tao, hindi naman siya ganoon. Pero very likeable din naman kasi si Jay-R.

“And alam mo ‘yon na, ‘Oy, nahanap ko ang ka-match ng boses ko parang nagdya-jibe kami nito.’ Nagkaroon din naman pero only for a very short time, kasi nasa tamang pag-iisip din ako. Kasi alam ko rin naman na (may dyowa na),” paliwanag ni Kyla.

Pahayag pa ng misis ng basketball player na si Rich Alvarez sa isang panayam, “Parati akong nakaka-encounter ng mga tao na tinatanong ako, ‘Naging kayo ba ni Jay R?’ Hindi nga, totoo.

“Sinasabi ko, ‘Hindi talaga, we’re just really good friends and we’re very comfortable being with each other, being onstage. Makikita ‘yun, eh, ‘yung chemistry namin onstage.

“Feeling tuloy ng iba, parang naging kami or something. Some people don’t believe it (na hindi naging kami), ‘di ba ‘no, Jay? Ang dami talagang nag-a-assume,” sey pa ni Kyla.

Hirit naman ni Jay-R, “Masyado silang naga-assume, porket naging kami ni Kyla ng isang araw lang. ‘Wag kayo mag-assume. Isang araw lang ‘yun, guys.”

Samantala, inamin naman ni Mica Javier, asawa ni Jay-R, na may isang pagkakataon na nagselos siya nang slight kay Kyla noong hindi pa sila kasal.

Sa panayam pa rin ng “Magandang, naibahagi ni Mica na nangyari ito noong nagkaisyu at naghiwalay sila ni Jay-R, “Ikukuwento ko na kasi nakakatawa kasi nandito si Kyla. Noong naghiwalay kami noong time na ‘yon, I was shooting a movie pa sa Siargao.

“So akala nito (Jay-R) Siargao daming naka-bikini, whatever, nasa beach. Tapos may isang picture nag-perform sila ni Kyla parang nakahawak sila, bumababa sa hagdan tapos parang hinahawakan ni Jay-R.

“Nag-text ako sa kanya, sabi ko, ‘Why do you have to hold her hand, what is this, why do you have to do that you are not even together?’ Parang ganoon, sabi ko.

“Hindi naman ako ganu’n bakit ganoon ang nararamdaman ko sa picture na harmless na never ko namang naging isyu ‘yun kay Kyla ever eh, hindi naman ganoon ang personality ko. Tapos kinilig naman siya, parang ‘Uy he still likes me,'” lahad ni Mica.

Dahil dito, na-realize ni Mica na si Jay-R na ang lalaking nais niyang makasama forever, “Napaisip talaga ako bakit ako ganoon? Tapos from that time sabi ko parang ‘yon ‘yung realization na mas gusto kong magtuloy sa buhay kung nandiyan siya.”

Ikinasal sina Jay-R at Mica noong biglang magpatupad ng lockdown ang pamahalaan noong Marso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending