Kyla 5 beses nakunan, naiyak sa nag-iisang anak

Kyla 5 beses nakunan, naiyak habang nagso-sorry sa nag-iisang anak

Pauline del Rosario |February 22,2024
facebook
share this

Kyla 5 beses nakunan, naiyak habang nagso-sorry sa nag-iisang anak

Pauline del Rosario - February 22, 2024 - 11:21 AM

Kyla 5 beses nakunan, naiyak habang nagso-sorry sa nag-iisang anak

PHOTO: Instagram/@kylaalvarez

NAGING emosyonal ang Queen of R&B na si Kyla nang ibinunyag niya na muli siyang nawalan ng anak bago mag-Pasko noong nakaraang taon.

Sa kanyang interview sa morning talk show na “Magandang Buhay” kasama ang kanyang mister na si Rich Alvarez, nag-open up ang batikang singer patungkol sa matinding pagsubok nilang mag-asawa na mabigyan ng kapatid ang kanilang anak na si Toby.

Para sa mga hindi masyadong aware, ito na ang ikalimang beses na nakunan siya.

“For us ‘yung biggest challenge would be giving Toby a sibling,” sey ni Kyla nang tanungin siya kung ano ang mga “challenges” na pinagdadaanan nilang mag-asawa.

“It’s been really hard, especially very recent lang ‘yung sa amin eh. Just before Christmas actually I suffered another [miscarriage],” pagbubunyag niya.

Baka Bet Mo: Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…

Dagdag niya, “We’ve been struggling for years and years and years.”

Sa kabila niyan ay lubos pa rin ang pasasalamat ni Kyla dahil biniyayaan siya ng isang anak.

“Kung madadagdagan pa, bonus na lang ‘yun,” sambit ng singer.

Wika niya, “Siguro kaya rin [si Rich] ‘yung binigay sa akin ni Lord kasi I don’t think anyone would love me like the way he loves me or ever will love me.”

“Siya lang talaga yung magmamahal sa akin ng ganito. So I am just really thankful,” ani pa ni Kyla.

Kasunod niyan ay biglang naiyak ang Queen of R&B habang inihahayag kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang only child.

“I just feel so lucky and blessed that we have you, anak. You are an amazing kid,” mensahe niya kay Toby.

Patuloy niya, “Whether or not magkakaroon ka ng sibling or ano—sorry that we couldn’t give it to you. But I love you so much and now, you have all our attention.”

“Ikaw talaga, ikaw ‘yung greatest gift sa amin ng daddy mo. So thank you, Lord, dahil binigay ka Niya sa amin,” aniya pa.

Kung matatandaan, taong 2011 nang ikinasal ang mag-asawa at noong 2013 naman nang magkaroon sila ng anak.

Taong 2018 ay dalawang beses nakunan si Kyla, sumunod diyan ay noong 2021 at ang ikaapat na beses ay noong 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang Instagram post noong Disyembre ng nakaraang taon, inamin ng singer na na “feeling miserable” siya, pero mas pinili niyang mag-focus sa mga bagay na pinagpapasalamatan niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending