Kyla umiyak nang mapanaginipan ang 'nawalang' baby: I didn’t see her face... Bandera

Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…

Ervin Santiago |August 24,2021
share this

Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…

Ervin Santiago August 24, 2021 - 08:54 AM

Rich Alvarez, Kyla at Toby Elsiah

LAGING napapanaginipan ng Kapamilya singer na si Kyla na may karga-karga siyang baby pero hindi raw niya nakikita ang mukha.

Ang feeling niya, ang batang palaging nagpapakita sa kanyang panaginip ay ang baby na nawala sa kanila ng asawang si Rich Alvarez matapos siyang makunan nitong nagdaang Hulyo.

Tatlong beses nang nakunan ang singer kaya naman talagang naapektuhan siya nang todo. Nag-post pa sa kanyang Instagram si Kyla nang mawala ang baby girl sa kanyang sinapupunan na pinangalanan nilang Millie. 

“My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie,” mensahe ni Kyla.

Kamakailan lang ay nag-post uli ang misis ni Rich sa IG ng kanyang throwback photo na kuha sa isang beach resort at sinabing na-postpone na naman ang pagbabakasyon sana nilang pamilya sa labas ng Manila pero napurnada na naman dahil sa bagong lockdown. 

Aniya sa caption, “There’s something about the sound of the waves that is so calming. It’s one of the most beautiful calls of nature that I love to hear. I need that feel-good vibe. I need to unwind. We planned to go to Palawan this month. But ECQ happened. Oh well.

“I’ve been feeling really, really down the past few days. I have this overwhelming feeling of sadness, of wanting to be left alone. And my husband would always wonder why I was acting that way… and I can’t explain it. 

“And he’s so nice to me still and so patient, I feel so bad. Sometimes I’d wake up.. I’d have dreams about me carrying a baby. 

“The last dream I had, I was walking Millie to school. I cried because I didn’t see her face. I wish I saw her face…

“I guess I’ll forever wonder about how my babies would look like if they were born… I keep having those dreams. And losing them. It feels so traumatic. 

“I just want an escape from reality… even if it’s just for little while,” pahayag pa ng R&B Queen ng Pilipinas.

Nitong nagdaang Abril, nag-celebrate sina Kyla at Rich ng kanilang 11th wedding anniversary. May isa silang anak, ang eight-year-old na ngayong si Toby Elsiah. 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending