Kyla umiiyak sa tuwing umuulan: Feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro | Bandera

Kyla umiiyak sa tuwing umuulan: Feeling ko ‘yung mga anak ko naglalaro

Therese Arceo |October 13,2023
facebook
share this

Kyla umiiyak sa tuwing umuulan: Feeling ko ‘yung mga anak ko naglalaro

Therese Arceo - October 13, 2023 - 06:31 PM

Kyla umiiyak sa tuwing umuulan: Feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro

INAMIN ng singer na si Kyla na minsan niyang kinuwestiyon ang Panginoon matapos ang kanyang sunud sunod na miscarriages.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli, napag-usapan nila ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang ina.

Hindi naman kaila sa publiko na apat na beses nang naranasang makunan ni Kyla.

Matapos kasing maipanganak ng kanilang panganay na si Toby ay nagdesisyon sila ng asawang si Rich Alvarez na maghintay muna bago sundan ang panganay.

“I’m not sure nga po if we made the right decision. Actually naiisip ko dapat ko nang i-regret na nag-wait kami too long na sundan si Toby,” lahad ni Kyla.

Apat na taon muna kasi ang lumipas bago sila nagdesisyong subukang magkaroon ng pangalawang anak.

Baka Bet Mo: Kyla walang balak baguhin sa nakaraan: ‘Everyone in my life are sent from the heaven…’

“2018 nagbuntis na ako tapos parang nag-miscarry ako. That year, 2018, twice akong nag-miscarry. I stsrted the year with a miscarriage and ended the year with another miscarriage,” pagbabahagi ni Kyla.

Ayon pa sa kanya, malaking factor rin ang pandemic dahil matapos ang dalawa niyang miscarriage ay nagpa-therapy siya ngunit nang mangyari ang pandemic ay nagkaroon na siya ng takot na lumabas dahil sa virus nagkataon ring nag-lapse na ang kanyang treatment.

Akala raw nila Kyla na magiging ok na ang recent niyang pagbubuntis ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin ito nabuo.

Dagdag pa niya, “Medyo hearbreaking po ‘yun kasi sobrang gustong-gusto namin masundan si Toby talaga. Tsaka gusto niya ng kapatid talaga. As in nagre-request siya. Gusto niya ng brother.”

Kinuwestiyon rin ni Kyla ang Diyos sa mga nangyayari sa tuwing nagkakaroon siya ng miscarriage.

“Mahirap po ‘yung feeling na mawawalan ng something that you’ve prayed for and hoped for and you wanted tapos bigla na lang…

“Parang ibinigay sa ‘yo tapos kinuha ulit tapos you have to go through that over and over,” sey pa ni Kyla.

Ngunit na-realize rin niya na baka may ibang plano ang Panginoon sa kanilang pamilya.

“Even though we tried so much, we did everything. Nag-treatmebt kami and all that. We went to thedoctors, hindi pa rin e. Feeling ko kasi Hr has other plans for me. And naniniwala naman ako na lahat ng gusto ni Lord ay maganda para sa atin,” sabi pa ni Kyla.

‘Yun na lang daw ang nagbibigay ng peace of mind sa kanya na hindi sila ilalagay ng Panginoon sa posisyon na ikasasama nila.

Sa kabila ng mga pinagdaanan ay nais pa rin ni Kyla na mabigyan ng kapatid si Toby.

Natanong naman siya ni Ogie kung naaalala pa rin niya ang kanyang mga apat na anghel kapag nag-iisa siya.

Ani Kyla, “Kapag umuulan po. Feeling ko ’pag naririnig ko ’yung mga patak ng ulan, feeling ko ’yung mga anak ko naglalaro. Feeling ko naglalaro lang sila, ganyan na ’okay, nandyan lang ‘yung mga anak ko.’ Naririnig ko sila sa mga raindrops.”

Basta raw pakiramdam ng singer na tuwing umuulan ay nandyan lang ang kanyang mga anak.

“May time po na napapanaginipan ko parati na nanganak ako. Tapos may time pa na parang hinahatid ko ’yung anak ko sa school. Tapos magigising ako, umiiyak ako kasi hindi ko nakita ’yung face,” kuwento pa ni Kyla.

Pagpapatuloy niya, “Naiiyak ako kasi syempre parang feeling ko I will always wonder kung ano ba ‘yung itsura ng mga anak ko kung pinanganak sila. Ganun, so parang minsan sabi ko ’sana nakita ko ‘yung mukha ng anak ko’.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kyla may hugot sa gasolina at sweldo, binanatan ng bashers

Kyla, Jay R excited sa reunion concert sa Setyembre: ‘It’s a perfect time to celebrate 20th year as music tandem!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending