Kyla may hugot sa gasolina at sweldo, binanatan ng bashers
DINAGSA ng mga bashers ang singer na si Kyla matapos itong maglabas ng saloobin ukol sa nangyayaring pagtaas ng presyo ng gasolina.
Noong May 21 kasi ay nag-tweet ang mangangawit at sinabing mahal na ang gas pero walang pagbabago sa sahod ng mga tao.
“Sobrang mahal ng gas. Pero yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas,” saad ni Kyla.
Sobrang mahal ng gas. Pero yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas. 🙁
— Kyla (@kylaessentials) May 20, 2022
Marami naman sa mga netizens ang nag-react sa naturang tweet ng singer.
“Soooo…. What are you going to do about it? Any suggestions that can help increase salaries of workers and at the same time not be a burden on employers? Or maybe a solution to end the worldwide oil crisis? Or are we just complaining here?” reply ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “INFLATION. Noong nag-aral po ba kayo di po ba tinuro sa inyo ng guro n’yo? Economics po subject niyan ma’am or baka absent ka nang itinuro sa inyo ‘yan?”
“Agree. Kaso pag tumaas sweldo, they find ways to invent new tax rates and higher mandatory itong sa contributions like SSS, Philhealth and Pag-IBIG,” dagdag naman ng isa.
Matapos ang iba’t ibang komento ng netizens ay muling nag-tweet si Kyla kahapon, May 23, at nilinaw na wala naman siyang sinisisi at naglalahad lang ng pawang katotohanan.
Dagdag pa niya, hindi rin niya sinisisi ang gobyerno sa pagtaas ng presyo dahil aware siya sa mga nangyayari sa paligid.
“I am aware of what’s happening in the world.Grabe ang comments ng ibang tao.Everyone wants to be right nowadays.Kaya walang nangyayari. I was simply stating a sad reality. It’s NOT a complaint,” saad ni Kyla.
“I NEVER said it’s the government’s fault. Don’t put words in my mouth,” dagdag pa niya.
I am aware of what’s happening in the world.Grabe ang comments ng ibang tao.Everyone wants to be right nowadays.Kaya walang nangyayari.I was simply stating a sad reality. It’s NOT a complaint.I NEVER said it’s the government’s fault. Don’t put words in my mouth.
— Kyla (@kylaessentials) May 22, 2022
Sa panibagong tweet ni Kyla ay pinaalalahanan naman niya ang mga tao na maging mabait sa kapwa.
Sey pa niya, ipagdarasal na lang daw niya ang kanyang mga bashers.
Muli pang tweet ni Kyla, “If you don’t understand what someone is saying and you react and call them names, without fully understanding the context of what they’re saying, what does that make you? It doesn’t make you any better than anyone else. What does that make you as a person?
“If calling people names make you feel better, you need to start looking in the mirror. I feel sorry for some people spreading more hate in this world. I pray that in time, you’ll become a better person. God Bless You!”
Related Chika:
Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.