Kyla walang balak baguhin sa nakaraan

Kyla walang balak baguhin sa nakaraan: ‘Everyone in my life are sent from the heaven…’

Pauline del Rosario |July 07,2023
facebook
share this

Kyla walang balak baguhin sa nakaraan: ‘Everyone in my life are sent from the heaven…’

Pauline del Rosario - July 07, 2023 - 03:46 PM

Kyla walang balak baguhin sa nakaraan: ‘Everyone in my life are sent from the heaven…’

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

HAPPY and contented.

‘Yan ang tila nais iparating ng Queen of R&B na si Kyla matapos siyang tanungin sa isang exclusive media conference kamakailan lang patungkol sa kanyang nakaraan.

Ang pinag-hugutan ng tanong ng press ay iniugnay sa pamagat ng upcoming reunion concert nila ng King of R&B na si Jay R na “Back In Time.”

Tanong sa kanya, “Kung babalikan mo ang past mo, may babaguhin ka ba?”

Baka Bet Mo: Kyla, Jay R excited sa reunion concert sa Setyembre: ‘It’s a perfect time to celebrate 20th year as music tandem!’

Agad namang sumagot ang singer at sinabing wala na siyang babaguhin dahil masaya siya sa mga taong nakilala niya noon hanggang ngayon.

“Wala akong babaguhin. I’m happy with the people I’ve met,” sey ni Kyla.

Paliwanag niya, “I’m happy na nakasama si Jay R doon and we’ve done collaborations before together which is part of my career, and my journey as an artist.”

Everyone in my life, including up to now, they were parang sent from the heaven,” ani ng singer.

Sambit pa niya, “I’m just happy with everything now, I’m not gonna change anything.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang “Back In Time: Kyla and Jay R The Reunion Concert” ay nakatakdang mangyari sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City sa September 2.

Nauna nang sinabi ni Kyla na excited na sila ni Jay R sa upcoming show nila together at unti-unti na nilang pinaghahandaan ang mga sorpresa para sa fans.

Biro pa ni Kyla habang natatawa, “Baka magsasayaw ako ng ‘Gento,’ hindi natin alam.”

“Joke lang, inaaral ko kasi ‘yung ‘Gento’ dalawang linggo na. Hindi ko siya magawa, hindi nagko-coordinate ‘yung paa ko at kamay ko. Hindi ko rin alam kung bakit,” paliwanag niya.

Sey pa niya, “Sabi kasi ni Jay R, he’s gonna try to convince me to dance. We will see.”

Available na ang tickets para sa reunion concert ng dalawa at ito ay nagkakahalaga mula P1,500 hanggang P8,100 na mabibili sa Ticketnet Online at sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kyla may hugot sa gasolina at sweldo, binanatan ng bashers

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending