Jennica Garcia may ‘hugot’ sa mga biglang iniwan

Jennica Garcia may ‘hugot’ sa mga biglang iniwan, netizens relate much: ‘Huwag kayong mag-alala, season lang ‘yan’

Pauline del Rosario |October 27,2023
facebook
share this

Jennica Garcia may ‘hugot’ sa mga biglang iniwan, netizens relate much: ‘Huwag kayong mag-alala, season lang ‘yan’

Pauline del Rosario - October 27, 2023 - 02:53 PM

Jennica Garcia may ‘hugot’ sa mga biglang iniwan, netizens relate much: ‘Huwag kayong mag-alala, season lang ‘yan’

PHOTO: Instagram/@jennicagarciaph

TILA may malalim na pinanghuhugutan ang aktres na si Jennica Garcia para sa mga taong biglang iniwan ng kanilang partners.

Trending ang naging pahayag ni Jennica tungkol sa pagiging single na ipinalabas recently sa variety show na “It’s Your Lucky Day.”

Sey niya, “Iba ang pakiramdam kapag nasanay ka na sa buhay mo na may kasama, then all of a sudden, magigising ka, ‘Ako nalang pala.’”

“Sa mga biglang naiwan o nagulat na nagising mag-isa, huwag kayong mag-alala season lang ‘yan,” mensahe pa niya base sa post na inilabas ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia naniniwala pa rin sa true love at kasal kahit nawasak ang relasyon kay Alwyn Uytingco, mas magiging choosy na sa lalaki

Aniya pa, “Darating ang panahon na sasabihin niyo, ‘Ay, kaya ko naman pala.”

Relate na relate naman diyan ang maraming netizens kung saan ibinahagi pa nila ang kani-kanilang sentimyento kaugnay rito.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Totoo yan. Nabuhay naman tayo noon na walang partner e. Tapos biglang mawawala. Ganun talaga kadalasan. People change. Kung iiwan nila tayo, let them go and let’s live our lives happily even without them without being bitter.”

“Kaya mo naman talaga mag-isa, nasanay ka lang na may kasama.”

“That’s right, there’s always a reason in everything that happened, God put everything in it for a purpose [emojis].”

“[emojis] relate. Mas mabuting mag-isang tumaguyod kaysa may kasama kang magbibigay lang sayo ng konsumisyon na papatay sa’yo. Mas masaya kapag anak nalang ang atupagin.”

Kamakailan lang, nag-viral ang naging lovelife update ni Jennica sa nabanggit na programa.

Ito ‘yung pinaamin siya tungkol sa Koreano na nakakausap niya habang nagte-taping sa South Korea para sa pelikulang pinagbibidahan ng comedienne-actress na si Melai Cantiveros.

Nabanggit pa nga ni Jennica na nagulat siya dahil sa mga Koreano siya mabenta kaysa sa mga afam.

Pero sa kasamaang palad ay hindi raw natuloy ang kanilang relasyon dahil hirap silang magkaintindihan dahil na rin sa “language barrier” o magkaibang lengwahe.

Related Chika:

Bwelta ni Ogie kay Willie sa isyung pag-alis ng kanyang talents: Hindi po ako iniwan, maayos po kaming naghiwalay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: ‘I’m very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na ‘ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending