Jennica Garcia feel na feel na ang pagiging artista: Namumukhaan na tayo…
SA kauna-unahang pagkakataon sa kanyang showbiz career, confident nang masasabi ni Jennica Garcia na isa siyang artista.
‘Yan ang proud na sinabi ng aktres matapos siyang tanungin ng INQUIRER sa isang press conference tungkol sa kanyang pagbida sa hit drama series na “Dirty Linen.”
“I have been in this industry for quite some time, but now I feel like, ‘Ah, susundan ko talaga ang yapak ng isang Jean Garcia!’ It feels good knowing that your talent is appreciated,” sey niya.
Dagdag pa niya, “It makes all the hard work worth it. And I promise to do even better.”
Kung mapapansin ninyo, karamihan sa mga balita at headline tungkol kay Jennica ay laging umiikot sa personal niyang buhay o kaya naman sa hiwalayan nila ng estranged husband na si Alwyn Uytingco.
Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN
Pero ngayon, madalas nang mag-viral at mag-trending sa social media ang mahusay niyang pagganap sa karakter bilang “Lala” sa “Dirty Linen.”
Aminado ang aktres na natutuwa siya sa mga magagandang komento na kanyang nakikita.
Ayon pa nga sa kanya, bukod sa pinalalakas nito ang kanyang loob pagdating sa aktingan ay nagsisilbi rin daw itong inspirasyon upang lalo niyang pagbutihan sa trabaho.
“The netizens have no idea how much the show made me stronger and encouraged me to keep on going,” sambit niya.
Patuloy niya, “I was happy with what was given and simply made sure that I gave justice to the role. I also did it to make a living. I wasn’t as career driven as I am now.”
“You would never hear me say, ‘This is my dream project. I want this or that kind of role.’ Now I’m more willing to try new roles and audition for them,” dagdag pa ni Jennica.
Naikwento din niya na kung dati ay malaya siyang nakakalabas ng bahay na walang nakakakilala sa kanya, pero ngayon daw ay medyo pinagkakaguluhan na siya ng mga nakakakita sa kanya.
“Namumukhaan na tayo… I felt like an artista,” masayang sinabi ng 33-year-old actress
Chika pa niya, “I didn’t expect people to fall in love with my character, Lala. It’s so overwhelming, the number of times the character trended online.”
Nauna nang nabanggit ni Jennica na isang big blessing ang mapabilang sa cast ng naturang serye dahil ito ang unang pagkakataon makalipas ang ilang taon na nabigyan ng bonggang project.
Pero aminado siyang napakahirap para sa kanya ang gumanap bilang si Lala Millado.
In fact, inatake talaga siya ng matinding nerbiyos nang ibigay sa kanya ang naturang project.
Dating sexy dancer sa bar si Lala kaya naman kinailangang magsuot ni Jennica na magsuot ng mga sexy outfits, lalo na sa mga flashback scenes at talagang nag-ipon siya ng tapang para ma-pull off ang kanyang mga daring scenes.
Related Chika:
Chito Miranda nag-fan boy kay Gary Valenciano, magco-collab sa isang kanta
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.