Bwelta ni Matet sa Noranians: Para kaming nakatali, nakabusal, habang sinasampal-sampal | Bandera

Bwelta ni Matet sa Noranians: Para kaming nakatali, nakabusal, habang sinasampal-sampal

Ervin Santiago - December 16, 2020 - 09:09 AM

PAGKATAPOS ipagtanggol ni Lotlot de Leon ang kapatid na si Ian de Leon laban sa mga umaalipusta sa kanilang pamilya, si Matet naman ang bumanat sa ilang Noranians.

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang pagsisiwalat ni Ian tungkol sa tunay na dahilan ng hindi niya pagsipot sa party na inihanda ng inang si Nora Aunor para sa kanyang 45th birthday.

Hindi raw nagustuhan ng aktor ang pag-iimbita ng Superstar sa ilan niyang kaibigan at fans sa in-organize na party lalo na ang planong pagre-record sa reunion nilang mag-ina para sa isang vlog.

Bukod dito, sinabihan din niya ang ina na sila naman sana ang bigyan nito ng panahon, “Ilang taon na kayo, Ma. Bigyan niyo kami ng pagkakataon na alagaan ka, mahalin ka, lambingin ka araw-araw.

“Pakiusap, Ma, ang mga tao sa paligid niyo, alisin niyo na ‘yan. Pamilya mo naman. Nakikiusap ako bilang anak mo, bilang anak mo na nagmamahal sa ‘yo,” ani Ian.

Pagkatapos magsalita ng aktor tungkol sa tunay na nangyayari sa kanilang pamilya, inulan ito ng batikos mula sa mga fans ni Ate Guy kaya naman dinepensahan siya agad ni Lotlot.

“Yan po ang problema, May nabasa lang kayo at isang panig lang narinig nyo nanghuhusga kayo agad.

“Nakapanig na po kayo agad ni hindi nyo alam ang mga totoong nangyayare.. wag po ganun. puro na lang kasinungalingan ang binabato,” ang bahagi ng pagtatanggol ni Lotlot sa nakababatang kapatid.

Kasunod nito, si Matet de Leon naman ang nagsalita hinggil sa isyu ng kuya niyang Ian at ng nanay na si Ate Guy. Isang quote ang kanyang ipinost tungkol sa mga taong “delusional.”

“Some people are really so delusional that they think it’s disrespectful when you don’t just sit back and allow them continue to disrespect you,” ayon sa post ni Matet.

Nilagyan niya ito ng caption na, “’NORANIANS’ para kaming nakatali, naka busal, habang sinasampal sampal…(laughing face with tears emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang netizens ang nakapag-post ng kanilang reaksyon sa post ni Matet dahil naka-turn off ang comments section ng kanyang IG page. Hindi pa rin sinasagot ni Ate Guy ang mga naging pahayag ng kanyang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending