Kamara sinabihang dapat maging maagap sa pag-ulat ng Covid-19 cases
Pinaalalahanan ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives na kailangan ang maagap na pa-uulat ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa mababang kapulungan.
Ayon kay Dr. Rolly Cruz, director ng QC-CESU, nasa 40 na ang kumpirmadong kaso na kanilang naitala sa Kamara. Biniberipika pa nila umano ang ulat na umabot na sa 96 ang kabuuang bilang ng mga positive cases sa dito sa nakalipas na 10 araw.
Ipinaliwanag ni Cruz na kahit pa man asymptomatic ang pasyente basta nakumpirma itong positive sa test ay dapat ipagbigay alam agad sa kinauukulan.
“Dapat kasi everytime na may new case dapat nire-report agad sa LGU para sa contact tracing,” paliwanag ni Cruz.
Sinabi naman ni House Secretary-General Dong Mendoza na nakipag-ugnayan na sila sa QC-CESU. Tumanggi din itong kumpirmahin na tumaas ang kaso ng COVID cases sa mababang kapulungan bagamat nagsasagawa na umano ngayon ng mass testing sa mga mambabatas, kawani at maging sa mga bumibisita sa tanggapan.
“We already spoke with the QC governemtn with regards to this matter we will release the results to DOH and CESU once the lab results are available already,” paliwanag ni Mendoza.
Hindi naman tinukoy ni Mendoza kung rapid test o swab test ang kanilang gagawin subalit para sa mga kawani ay mainam na swab test ang isagawa upang mas konkreto ang maging resulta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.