Mas mataas pang kaso ng COVID-19 pinangangambahan sa Kamara | Bandera

Mas mataas pang kaso ng COVID-19 pinangangambahan sa Kamara

- December 02, 2020 - 10:37 AM

Nangangamba sa kanilang kalusugan ang mga kawani ng House of Representatives kaya umaapela ito sa Department of Health (DoH) na pansamantalang isara ang tanggapan habang nagsasagawa ng paglilinis at contact tracing matapos na rin magkaroon ng 98 confirmed cases mula noong Nobyembre 10.

Kamakalawa lamang kinumpirma ni House Secretary General Dong Mendoza na mayroong 98 confirmed cases sa Kamara.

Mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 30 ay walang ginagawang contact tracing kaya malaki ang tiyansang nagkaroon pa ng hawahan.

Nobyembre 4 ay nag-resume ang sesyon ng Kamara matapos ang kanilang break at sa loob ng mahigit dalawang Linggo naitala ang 98 confirmed cases.

Ayon sa ilang kawani sa Kamara, hindi malayong mangyari na nakuha ang virus sa loob mismo ng House of Representatives dahil nauna dito ay mayroong 40 reported cases sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na sinasabing nakuha nila ang virus sa kanilang workplace

Anila, taliwas ito sa paliwanag ni Mendoza na sa labas ng komunidad at hindi sa loob ng Kamara nakuha ng mga empleyado ang virus.

“We are appealing to House Speaker Velasco, hindi biro ang 93 cases mula March hanggang October at 98 cases pa sa buwan lang ng Nobyembre, baka kailangan munang isara at magkaroon ng disinfection, hinihingi din namin ang transparency ng House Leadership, bakit ngayon lang kayo nagrerepeport ang laki na ng cases” paliwanag pa nito.

Aminado ang mga empleyado na kapansin-pansin ang pag-relax ng Kamara sa COVID monitoring kaya biglang lobo ang kaso.

Ang Kamara ay mayroong 8,000 employees kasama ang mga contractual at guards subalit sa nasabing bilang ay 2,000 lamang ang naisasailalim sa testing.

Samantala, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isang mobile testing unit ang idi-dispatch ng lungsod sa Batasan Complex, aniya, kailangan na magkaroon na ng agarang contact tracing upang maisolate ang mga posibleng carrier para na rin maprotektahan ang komunidad.

Sa ipinalabas na report ng CESU, sa 98 empleyado ng Kamara na nagpositibo sa Covid ay 3 sa naging close contact nito ang tinamaan na din ng vius, sa 98 cases ay 59 ang residente ng Quezon City habang ang 39 ay sa ibang lugar nakatira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending