Truck ban sa Edsa muling ibabalik, ayon sa MMDA
Ibabalik ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng truck ban sa Edsa.
Ayon kay MMDA Edsa traffic chief Bong Nebrija, sasakupin ng ban ang lahat ng truck o sasakyan na mayroong six wheels pataas.
Ang pagbabalik ng truck ban ay bunsod na din ng kahilingan ng mga alkalde ng Metro Manila.
Ayon kay Nebrija, magkakaroon ng designated hours sa pagpapatupad ng truck ban para maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Edsa.
Magugunitang simula nang pairalin ang lockdown ay sinuspinde muna ang pagpapatupad ng truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Mananatili namang suspendido ang number coding, ayon kay Nebrija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.