Mga motor ‘bawal’ dumaan sa service road ng Edsa-Kamuning flyover sa QC
BAWAL dumaan ang mga motorsiklo sa service road ng Edsa-Kamuning flyover sa Quezon City.
Ito ang naging anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa partial closure ng southbound lane ng overpass ng nasabing lugar.
Ang panawagan ni MMDA Acting Chair Romando Artes, gumamit muna ng alternatibong ruta katulad ng Scout Borromeo Street, Panay Avenue, Mother Ignacia Avenue at Scout Albano Street.
“This move is to lessen the traffic on Kamuning service road. All vehicles, including motorcycles, are urged to use the alternate routes,” sey ni Artes sa mga reporter sa gitna ng isang inspeksyon kasama si DPWH National Capital Region Director Loreta Malaluan, ilang opisyal ng mga nabanggit na ahensya at representante ng QC local government.
Sinabi rin ng MMDA chief na magde-deploy sila ng karagdagang traffic enforcers upang tiyakin na magagabayan ang mga motorista at iba pang road users.
Baka Bet Mo: MMDA, DoTr umalma sa ‘World’s Worst Traffic’ list, duda na no. 1 ang NCR
Bukod diyan, maglalagay rin sila ng traffic signages para sa mga natukoy na alternate routes.
Base sa data ng MMDA Traffic Engineering Center, umaabot sa 24,000 ang four-wheeled vehicles at 23,000 na mga motor ang dumadaan sa southbound lanes ng nasabing flyover araw-araw.
Asahan daw na ipagpapatuloy ng MMDA at ng Quezon City Hall ang clearing operations sa Mabuhay Lanes at sa mga nabanggit na alternatibong ruta upang masiguradong “passable” ang mga ito.
“Barangay officials will help in clearing alternate routes and ensuring smooth traffic flow in the area,” sambit ni Artes.
Ang southbound lane ng Edsa-Kamuning flyover ay pansamantalang isinara mula pa noong May 1 para sa anim na buwang rehabilitasyon.
Layunin nito na lalo pang pagtibayin ang flyover at bilang paghahanda na rin sa sinasabing “Big One” na tatamang lindol sa Metro Manila.
Samantala, ginagamit pa rin ang nasabing kalsada exclusively para sa Edsa busway.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.