Heart pumayag agad maging tour guide ng BLACKPINK member na si Lisa sa Sorsogon
“SUPER willing!”
Yan ang excited na pahayag ng Kapuso actress na si Heart Evangelista tungkol sa matagal nang pangarap ng K-Pop idol na si Lisa Manoban.
Ayon kay Heart, payag na payag siyang maging tour guide ng isa sa member ng sikat na sikat na Korean girl group na BLACKPINK kapag natuloy na ang pagbisita nito sa Sorsogon.
Of course, medyo may alam na rin ang aktres sa iba’t ibang lugar sa nasabing probinsya dahil ilang beses na rin siyang nanirahan doon kasama ang asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Ayon kay Lisa, pangarap daw talaga niyang libutin ang magagandang lugar sa Pilipinas, kabilang na ang paglangoy kasama ang mga whale sharks sa Donsol, Sorsogon.
Sa isang interview kay Lisa, natanong ang dalaga kung anu-anong tourist attractions sa bansa ang gusto niyang puntahan kapag nagkaroon na siya ng sapat na panahon para magbakasyon.
Sagot ng BLACKPINK member, “Oh, actually, I have two places that I want to go and visit.
“First, the Chocolate Hills. It is like several hills that look like chocolate because of its color.
“And then I want to go to the place where you can snorkel with whale sharks. That’s so cool that you can swim together with the whale sharks there,” pahayag pa ng K-pop superstar.
Dugtong pang chika ni Lisa, “The last time I went to the Philippines to do the tour, I told my manager if we could go because I want to swim with the whale sharks. It’s hard to go there, so maybe next time.”
Kasunod nito, isang fan ni Lisa ang nag-post sa social media ng naging pahayag ng Korean singer at tinag nga si Heart.
Ani @nakngpooch, @heart021485 gusto raw po ni Lisa makapag-interact with whalesharks. Bekenemen po.”
At ang agad na reply ng misis ni Chiz, “OMG… super willing ako mag-tour guide! Padabaaaaa Lisa #MahalKongSorsogon.”
Sikat na sikat ang munisipalidad ng Donsol sa Sorsogon pagdating sa mga whale sharks na dinarayo talaga ng mga local at foreign tourists mula November hanggang June.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.