WATCH: Velasco hinamong imbistigahan ang Makabayan Bloc sa Kamara | Bandera

WATCH: Velasco hinamong imbistigahan ang Makabayan Bloc sa Kamara

- December 02, 2020 - 06:33 AM

Nanawagan ang mga kasapi ng La Independencia Pilipinas kay House Lord Alan Velasco na imbistigahan ang Makabayan Bloc na umano’y front lamang ng Communist Party of the Philippines (CPP).

“Nananawagan kami kay Speaker Velasco at sa pamunuan ng Kongreso, malinaw pa sa sikat ng araw ang taktikang panggagamit ng CPP-NPA-NDF sa Kongreso sa pamamagitan ng Makabayan Bloc, congressman,” ayon kay Pep Goitia, secretary general ng La Indepencia Pilipinas.

“Ito po ay dual tactics ng CPP-NPA-NDF. Ito ang tinatawag naming CPP-NPA-NDF ‘Anay War’. Inaanay nila ang ating institustyon,” wika ni Goitia.

Maalalang dati nang ipinagtanggol ni Velasco ang Makabayan Bloc laban sa red-tagging na isinasagawa ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa mga mambabatas at maging mga sikat na artista.

“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations. General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,” ang nauna nang pahayag ni Velasco.

Nitong Lunes, nagpahayag din si Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa naging engkuwetro sa pagitan ng military at New People’s Army kung saan napatay ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn ay nagapapatunay na may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan Bloc ay sumusuporta sa CPP-NPA.

“Actually dahil sa nangyari ngayon, anak pa ng congresswoman na Makabayan ‘yung namatay, yung red-tagging namin ay may basis. May basis na sila ay sumusuporta, ‘yung Makabayan, sinusuportahan nila itong CPP-NPA at saka ‘yung tinatawag na armed struggle ng NPA,” paliwanag ni Lorenzana.

Sinabi ni Goitia na kailangang mag-imbistiga ang Kamara.

“Hinahamon po namin si Speaker Velasco na magsagawa ng imbistigasyon sa ethics committee at patalsikin na sila bago mahuli pa ang lahat,” wika ni Goitia.

“Huwag ninyo pong hayaan na kainin kayo ng buhay ng CPP-NPA-NDF sa loob ng Kongreso,” dagdag niya.

Hinamon din ng DDS Blogger na si Mark Lopez si Velasco na magsagawa ng imbistigasyon ngayon na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte  ang nagsabing front organization ng CPP-NPA-NDF ang Makabayan Bloc sa Kamara.

“Take the cue and initiate expulsion proceedings na. It’s ok if your move will be challenged along the way, ang importante you did your part in our effort to rid our society of this long standing menace,” pahayag ni Lopez.

Suportado ng DDS ang panawagan ng dating NPA rebel at star witness ng gobyerno na si Jeffrey Celiz alyas Ka Eric na magbitiw bilang miyembro ng Kamara ang Makabayan Bloc dahil guilty ito sa kasong treason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una ay nilalabag nito umano ang kanilang sinumpaang tungkulin na dapat ipagtanggol nila ang Konstitusyon laban sa mga kalaban ng gobyerno, at ikalawa ay nililinlang nito ang taumbayan dahil ang kanilang loyalty ay wala sa tao at sa gobyerno.

Naniniwala ang mga supporters ni Duterte na may hurisdiksyon ang Kamara para mapatalsik ang mga Makabayan Bloc subalit nangangailangan ito ng inisyatibo mula kay Velasco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending