Paolo gusto pang sundan si Baby Summer pero pass muna: Hindi pa kasi clear 'yung future, e! | Bandera

Paolo gusto pang sundan si Baby Summer pero pass muna: Hindi pa kasi clear ‘yung future, e!

Ervin Santiago |November 29,2020
facebook
share this

Paolo gusto pang sundan si Baby Summer pero pass muna: Hindi pa kasi clear ‘yung future, e!

Ervin Santiago - November 29, 2020 - 11:52 AM

GUSTUNG-GUSTO pa ni Paolo Contis na sundan ang anak nila ni LJ Reyes na si Baby Summer pero may takot pa siyang nararamdaman lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

Pinag-uusapan din nila ni LJ ang tungkol sa pagkakaroon ng bagong baby pero feeling niya hindi pa ito mangyayari sa panahon ngayon ng pandemya.

Sabi ng Kapuso host-actor, alam niyang napakahirap para sa mga babae ang magbuntis o magdalang-tao habang may health crisis pa sa buong mundo.

“Sana, sana (magka-baby uli). Kung kayang hintayin pa naman, itong matapos itong pandemic,” pahayag ni Paolo kamakailan sa online talk show niyang “Just In.”

Aniya pa, nakakalungkot daw isipin  hindi ma-enjoy ng kanyang mga anak at ng iba pang mga bagets ang kanilang kabataan dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Chika ni Pao, “Kasi nalulungkot ako for the kids, eh. ‘Yung nasa bahay lang sila, they don’t know what’s happening, they don’t know kung bakit hindi sila makalabas ng bahay. Hangga’t kaya mong i-explain, hindi, eh.”

Dasal at wish pa ng Kapuso actor, “I really hope matapos itong pandemic next year. Kasi feeling ko malaki ang nawawala sa kabataan nila.

“And ayokong magpasok ng isa pang bata na ganito rin ‘yung daratnan niya sa paligid. Medyo hindi pa clear ‘yung future, eh,” ang nag-aalala pang pahayag pa ng partner ni LJ.

Para naman sa celebrity guest ni Paolo sa kanyang online show na si Ina Raymundo, parang mahihirapan na rin siyang dagdagan pa ang lima niyang anak.

Sey ng aktres, kahit gustuhin daw nila ng asawang si Brian Poturnak na magkaroon ng ikaanim na baby ay mukhang mahihirapan na rin sila dahil bukod sa kanilang edad, problema rin ang pagpapa-check up dahil nga sa pandemya.

Um-agree naman sa kanya si Paolo, “Tama ka, parang ang hirap mag-check-up. Paano ka magtse-check up sa mga panahon ngayon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So siguro kung makabawi naman tayo next year, then we will plan again. Ang sarap kasing may bata, ‘di ba?” ang chika pa ni Paolo Contis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending