Kitkat matapos ma-food poison: Umiiyak na ako nang todo, lahat na ng santo natawag ko na!
FOLLOW-UP ito sa kalagayan ngayon ng mag-asawang Kitkat at Walby Favia na na-food poison sa pagkain ng seafoods na ipinadala ng kanilang kaibigan.
Nasulat namin dito sa BANDERA kahapon ang tungkol sa matinding sakit ng tiyan na naranasan ng komedyana dahil nga sa kanilang kinain.
“Iluluwa ko na kaluluwa ko kaka-suka at nais ko nang alisin intestines ko sa sakit ng tyan ko, doble-doble hilo ko at ‘yung pupu ko parang umiihi din.
“Food poison kaming mag-asawa, ano gawin namin ayaw namin ng ospital, suka, pupu tubig, super sakit tyan at hilo kami,” ang bahagi ng Facebook post ni Kitkat.
Ka-chat namin sa pamamagitan ng Facebook ang actress-host kagabi at hindi pa rin daw humuhupa ang sakit ng tiyan nilang lahat kahit uminom na sila ng mga gamot.
At dahil ayaw niyang pumunta ng hospital dahil takot sa COVID-19 pandemic ay pinayuhan silang kakabitan na lang ng dextrose sa bahay.
Nag-aalala rin ang TV host-actress-singer sa nangyari dahil nga ang negosyo nila ay seafoods.
“Grabe hirap nito ang ironic salmon at prawns ang business namin pero natakot ako sa seafood ha. Dapat talaga sure ka sa paghahain pagluto at pag prepare e. Umiiyak na ako ng todo lahat na ng santo natawag ko na,” sabi niya sa amin.
Habang ka-chat namin si Kitkat ay may tumawag na sa kanilang doktor at itse-tsek na raw sila at kakabitan na rin ng dextrose.
“Opo. Isip ko pano tatanggalin pag ubos na po, Di ba po matagal ‘yung suwero mag-stay pa siya (nurse/doctor) dito?” balik-tanong sa amin ng komedyana.
Mabuti na lang daw at naka-advance taping sila ng “Happy Time” kaya this coming Wednesday pa siya magre-report sa show.
At ngayong umaga ay kinumusta namin ulit si Kitkat pero hindi pa niya kami sinasagot na feeling namin ay nakatulog na siya nang mahimbing dahil sa ininom na gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.