Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa Bagyong Ulysses, umabot sa higit P2.1-B | Bandera

Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa Bagyong Ulysses, umabot sa higit P2.1-B

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - November 17, 2020 - 08:16 AM

Makikita sa aerial photo na ito ang pinsalang dulot ng Typhoon Ulysses sa Camarines Sur. (Presidential Photo) 

Tinatayang mahigit sa P2 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Ulysses.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang araw ng Lunes, November 16, umabot na sa kabuuang P2,137,474,433 ang pinsala sa agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Kabilang dito ang Regions 1, 2, 3, 5, Calabarzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at Metro Manila.

Nasa P482,854,751.28 naman ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura sa Region 1, Mimaropa at Region 5.

Base pa sa datos, 34,178 bahay ang nasira ng bagyo kung saan 4,059 ang totally damaged habang 30,119 naman ang partially damaged sa Regions 1, 3, 5, Calabarzon at CAR.

Samantala, 67 katao ang nasawi, 21 sugatan at 13 ang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending