Bea namigay ng laptop sa mga taga-SOS Children’s Village sakay ng ‘rocket ship jeep’
NAMIGAY ng laptop at food packs ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo sa mga batang nakatira sa SOS Children’s Village.
Nagmistulang Santa Claus ang dalaga nang mamahagi na nga ng kanyang mga dalang regalo para sa maagang Pasko ng nga taga-SOS Children’s Village.
Kuwento ni Bea, nakipag-ugnayan sa kanya ang digital streaming platform na Netflix Philippines para makapagsagawa ng charity project ka-partner ang kanyang non-profit organization na “I Am Hope.”
Siyempre, na-excite ang aktres sa makabuluhang proyektong ito, “I want to share with you some good news. So Netflix got in touch with me and they asked me if I could collaborate with them.
“And then naisip ko, if I were to go to the moon, who would I bring with me? So I immediately thought of the kids of the SOS Children’s Village,” simulang kuwento ni Bea sa isang panayam.
“In line with our e-dukasyon program, we are going to the SOS Children’s Village to give them laptops and other donations to help them with their education,” dagdag pa ng dalaga.
Na-shock naman si Bea nang bumungad sa kanya paglabas ng bahay ang isang jeepney na ginawang “rocket ship”.
Doon inilagay ang mga laptop mula sa Netflix at iba pang donasyon na ipamamahagi sa mga bata. Ang nasabing jeepney nga ang ginamit ni Bea papuntang SOS Children’s Village.
Gulat na reaksyon ng aktres, “Oh my God! Hindi sila nagbibiro. Totoong spaceship siya. Rocket ship to the moon. So para akong nasa amusement park. Nakaka-happy. Okay, it’s time to fly away.”
Ayon naman sa co-founder ng “I Am Hope” na si Rina Navarro, isang dream come true para sa kanilang organisasyon ang makapagbigay hg libreng laptop sa mga kabataang hindi kayang bumili ng gadgets para sa online learning.
“First time naming mag-dodonate ng laptops. Because of that, we’re so happy because ito talaga ‘yung pangarap natin ‘di ba? Na makapag-donate and siyempre at that time, we needed the support of others and this is our very first kaya we’re so happy,” masayang pahayag ni Rina.
Samantala, nakausap naman ni Bea ang Village Director ng SOS Children’s Village sa Pilipinas na si Raymond Rimando at nagkuwento tungkol sa mga challenges na kinakaharap ng mga kabataang inaalagaan nila simula pa noong magka-COVID-19 pandemic.
“Ang pinakamalaking apekto lang po talaga ngayon is ‘yung challenge sa nanay. Isipin niyo po sa isang bahay, mayroon kayong walong bata. Tapos ‘yung walong bata po na ‘yun nag-oonline or blended learning,” pahayag ni Raymond.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.