Kean sa 5 taong relasyon nila ni Chynna: Napakaswerte ko...ang sarap sa pakiramdam | Bandera

Kean sa 5 taong relasyon nila ni Chynna: Napakaswerte ko…ang sarap sa pakiramdam

Ervin Santiago - November 08, 2020 - 12:56 PM

PINAKILIG ni Kean Cipriano ang madlang pipol sa sweet message niya para sa asawang si Chynna Ortaleza para sa kanilang fifth anniversary.

Napa-throwback ang OPM singer-actor sa limang taong pagsasama nila ng asawa at feeling daw niya 20 years na silang magkasama sa dami ng pinagdaanan nila.

“4 months kitang naging girlfriend. 1 month naging fiancé. Tapos kinasal after 6 months simula ng maging tayo. Ngayon limang taon na kitang asawa.

“Pero sa dami at tindi ng pinagsamahan natin, feeling ko 20 years na! Ang galing! Ang sarap sa pakiramdam. Never pa kasi akong naka-experience ng ganitong kahabang relasyon sa buong buhay ko,” simulang pahayag ni Kean.

Patuloy pa niya, “Alam ko na kung bakit, kasi more than anything, kaibigan kita. At yun ang legit na pang matagalan.”

Feeling naka-jackpot din ang Callalily vocalist sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Chynna na talagang perfect wife para sa kanya at supermom sa kanilang mga anak.

“Salamat sa lahat lahat @chynsortaleza! Sa pagmamahal, pag alaga at pag protekta sakin palagi. Napakaswerte ko. Mahal kita! Happy 5th Anniversary! Tara na at magtanim na tayo,” mensahe pa niya kay misis.

Kung matatandaan, taong 2015 nang magpakasal sina Kean at Chynna sa isang secret civil ceremony at nasundan ng church wedding sa Twin Hearts of Jesus and Mary sa Quezon City noong Nov. 7, 2017. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Stellar at Salem.

“Nagpakasal kami sa simbahan ni @chynsortaleza. Hindi traditional na malaking wedding. simple lang.70 people ata, itim at patay na mga bulaklak, sabay kami naglakad ng asawa ko papunta sa altar.

“Masarap na pagkain, walang program, swabeng soundtrip kasama ang pamilya at pinaka malalapit na kaibigan. Puro ngiti at tawanan. At ‘yun ang pinaka masayang araw ng buhay ko,” ang pahayag ni Kean sa isa niyang IG  post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending