Ano ang ginagawa nina Marian at Dingdong tuwing umaga para mas mapatatag ang relasyon? | Bandera

Ano ang ginagawa nina Marian at Dingdong tuwing umaga para mas mapatatag ang relasyon?

Ervin Santiago - November 08, 2020 - 09:36 AM

MAY isang napakahalagang bagay na ginagawa ang Kapuso couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes tuwing umaga na mas nagpapatatag sa kanilang pagsasama.

Magse-celebrate na ng kanilang six wedding anniversary ang DongYan sa Dec. 30 at nabiyayaan na ng dalawang malulusog at super cute na anak — sina Zia at Ziggy.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, totoong pinagtagpo sila ni Dingdong pero hindi niya in-expect na sila ang itinadhana para sa isa’t isa.

“Hindi ko sukat-akalain na mapangasawa ko si Dong. Kasi in the first place, talagang wala ni katiting na pagtingin, wala talaga, e.

“So, hindi ko inaakala na magtatagpo kami at mabibigyan kami ng pagkakataon na maging mag-asawa at magkaroon ng dalawang anak,” pahayag ni Marian sa ginanap na virtual mediacon para sa 3rd anniversary ng Kapuso drama anthology series na “Tadhana.”

Sey ni Marian hindi matutumbasan ng anumang halaga ang pagkakaroon niya ng sariling pamilya, “Sinasabi ko na, very priceless sa akin. Kung may ipapasalamat ako, yun ay ang maging nanay talaga ako.”

Inamin naman niya na marami rin silang challenges na pinagdaanan ni Dong lalo na noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon.

Kung mataandaan, unang nagtambal ang dalawa sa Pinoy remake ng Mexicanovelang Marimar noong 2007 at sinundan ng ilan pang hit teleserye at pelikula.

Ani Marian, “Struggle kasi yung first relationship namin. Ang daming tsismis, ang daming batikos, ang daming nangdya-judge, ang daming naninira, ang daming gustong maghiwalay kaming dalawa. So, yun siguro yung pinaka-struggle.”

“Pero tama yun, e, kung itinadhana ka, kahit anong gawin niyo, kahit lagyan niyo ng semento sa pagitan namin, matitibag talaga at pagtatagpuin kami,” aniya pa.

Kung may maipapayo naman ang Kapuso actress-TV host sa mga mag-asawa, yan ay ang pagkakaroon ng open communication at walang tigil na lambingan.

“Ayon sa experience ko bilang babae, ayaw talaga ng lalaki na nagger ang babae.

“Ako kasi, direct to the point ako kay Dong. Kapag may mga bagay akong gustong sabihin sa kanya, hindi ako nagpapaliguy-ligoy.

“Sasabihin ko talaga, ‘O, Dad, ganito. O, Dad, ganito nararamdaman ko.’ Maganda siguro maging honest kayo. At mahit anong busy niyo, kailangan may pagkakataon pa rin na nagha-heart-to-heart pa rin kayong dalawa.

“At huwag maubusan ng pagkakataon na maging malambing sa isa’t isa,” tips pa ng aktres.

“At magandang factor din siguro, number one in the morning, ang ginagawa namin, nagme-meditate talaga kami every morning.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro malaking factor iyan na mangyayari sa buong araw, kapag buo ang puso at isip mo sa kondisyon sa nag-create sa iyo,” pahayag pa ng misis ni Dingdong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending