Direktor ng BL movie feel na feel ang tambalang Jameson at Joao | Bandera

Direktor ng BL movie feel na feel ang tambalang Jameson at Joao

Reggee Bonoan - November 04, 2020 - 04:24 PM

SUMABAK na rin sa paggawa ng BL o Boy’s Love film si Direk Bobby Bonifacio, Jr., na kilala sa paggawa ng horror o suspense movies.

Naisip namin na baka gusto naman niyang maiba sa pagkakataong ito ang kuwento ng pelikula niya at mas gusto niya ng light lang para angkop sa panahon ng pandemya.

Maaaring nakikiuso lang din anf direktor dahil patok sa publiko ngayon ang Boy’s Love series at nga movies.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “My Lockdown Romance” na pagbibidahan nina Jameson Blake at Joao Constancia ay natanong ang direktor kung ano ang pagkakaiba ng pelikula niya sa ibang BL movies at aware ba siya na posible itong ikumpara sa ibang napanood na.

Aniya, “Siyempre hindi maiiwasan that there will be some similarities to the same themes of movies pero, I guess each project has something unique to offer.

“And ‘yung sa amin, number one is yung chemistry na binigay ni Jameson and Joao sa isa’t isa and the format of the movie na makikita niyo naman pag pinanood niyo. It’s something na kabit na kabit to real life situations ng mga tao.

“Ang lakas ng relatability nito from all walks of life with different relationships at iba ibang mga tao kakapit sa mga nangyari dito sa kuwento nilang dalawa.

“Intentional siya na lighthearted and fun kasi parang sa dami ng bigat na pinagdadaanan ng mga tao sa naging sitwasyon natin ngayon di ba, parang it’s refreshing to come up with something lighthearted and hopeful and something na kapag pinanuod mo is parang ma-re-revitalize ang energy mo sa buhay, parang ganu’n,” paliwanag ng direktor.

Nabanggit din na halos lahat ng nakapanood ng trailer ay nagsabing kinikilig sila na totoo naman dahil may chemistry kasi sina Jameson at Joao kahit na pareho silang straight guys.

“Nabibigay kasi nila is the sincerity of the character, natutuwa ako pag nakakausap ko itong kaibigan ko na ito na long lost friend. Kitang kita sa mga mata nila eh, yung konting ngiti, yung konting galaw ng mata, nasa kanila yun eh.

“At du’n mo mapapansin pag pinanood mo. Ma-e-exude mula sa screen papunta sayo at alam mo na ganito talaga, ganito din ang nararamdaman ko, ganito ako kapag kinikilig,’’ aniya.

Samantala, inamin ni direk Bobby na may natutunan siya sa bagong health protocols ngayon sa new normal shoot.

“Lahat kami sabay-sabay natuto. So team effort talaga siya. From the production staff to the actors, sabay-sabay naming natutunan kung paano tatapusin yung pelikula. The actors were sent cameras, ginuide namin. Magkakasama kami lahat online and gina-guide namin sila through video conference. And maganda at malinis ang pagkagawa,” kuwento ng direktor.

Bigla naming naisip, bakit kaya hindi horror BL film o series ang ginawa ni direk Bobby since mga ganitong pelikula ang forte niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ang “My Lockdown Romance” ay mapapanood na sa Nob. 13 sa Cinexpress channels tulad ng KTX.ph (ktx.ph), iWant TFC (tfc.tv), Channel 190, Channel 290 for HD on Cignal PPV (my.cignal.tv), channel 158 at channel 258 for HD on Sky Cable PPV (mysky.com.ph).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending