Karl Eldrew Yulo pinagalitan ang ama habang naka-live

Karl Eldrew Yulo pinagalitan ang ama habang naka-live

Therese Arceo - September 19, 2024 - 09:20 PM

Karl Eldrew Yulo pinagalitan ang ama habang naka-live

HINDI napigilan ni Karl Eldrew Yulo na sawayin ang ama na katabi lang niya habang siya ay kasalukuyang naka-live sa social media.

Base sa live ay gusto pa kasing batiin ng kanilang ama na si Mark Andrew Yulo ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

‘Batiin mo kaya ang kuya mo para mawala ang mga trolls?” sambit ni Mark kay Karl Eldrew.

Sagot naman niya sa ama, “Hayaan mo na sila, Pa. Huwag na natin silang pansinin. Lalo lang magkakagulo yang mga yan. Sabihin peke tayo.”

Baka Bet Mo: Karl Eldrew Yulo kay Chloe San Jose: ‘Kumbinsihin mo si Kuya na mag-sorry’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pero makulit ang kanilang ama at tinawag pa rin ang pansin ni Carlos sa naturang live ni Karl Eldrew.

“Shoutout Caloy Yulo,” sey ng haligi ng tahanan.

Agad namang naging maagap si Karl Eldrew at pinatigil ang ama.

“Papa, isa. Huwag mo nang anuhin,” sey nito.

Ayaw pa ring magpaawat ng ama at humirit pa ng, “Umuwi ka na sa bahay.”

Tila nainis n si Karl sa ginawa ng ama at sinabing, “Si Papa naman pag sinabing ‘huwag’, gagawin lalo parang bata. Alam mo naman yung mga tao.”

“Mahal na mahal ka ni Papa,” hirit pa ng ama.

“Sinabing huwag na. Huwag muna,” sabi ni Karl Eldrew kasabay ang paghingi ng tawad sa ginawa ng ama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sorry, guys. Pinapagalitan ko si Papa kasi hindi niya maintindihan kasi ‘yung mga taong magsasabing peke kami kahit hindi naman… pero mas maganda nang huwag na lang muna,” sabi pa niya.

Kahit papaano ay naniniwala pa rin ang pamilya Yulo na magiging ok rin ang kanilang sitwasyon kay Carlos Yulo sa tamang panahon.

“Mabait naman ‘yan si Caloy… mabait ‘yang si Caloy, nararamdaman ko, mag-aano ‘yan, babalik ‘yan…” sey pa ni Mark Andrew.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending