Male star 3 years lang ang itinatagal ng relasyon; nagkakasawaan ng dyowa

Reggee Bonoan |October 26,2020
share this

Male star 3 years lang ang itinatagal ng relasyon; nagkakasawaan ng dyowa

Reggee Bonoan | October 26,2020 - 05:58 PM

TINANONG namin ang ilang kaibigan ng isang aktor kung boto sila sa kasalukuyang kasintahan nito.

Napansin kasi naming malaki ang ipinagbago ng ugali nito simula nu’ng maging sila ng girl.

“Mukhang okay naman, boto naman both families, oo nga blooming naman si ____ (aktor),” kaswal na sagot sa amin ng isang taong malapit sa aktor.

Tanong uli namin, ang kasalukuyang girlfriend na nga kaya ang pakakasalan ng aktor since nasa marrying age na rin naman siya.

“Well, abangan natin. Kapag lumampas sila ng three years, baka puwede. Pero kasi si _____ (aktor) laging hanggang three years lang ang girlfriend niya, pagkatapos noon, naghihiwalay na kasi nagkakasawaan na.

“Kaya wait natin, kapag nalampasan nila ang three years, suwerte ni girl baka posibleng siya na nga, pero kung hindi, hindi talaga,” pagtatapat sa amin ng isa pang kaibigan ng aktor na kilalang-kilala siya.

Marami nang nakarelasyon si aktor na karamihan ay nasa showbiz at pawang magaganda at sossy sa totoo lang, feeling nga namin ay bawal sa aktor ang hindi maganda ang dyowa.

Anyway, wala pang two years ang relasyon ng aktor sa kasalukuyan nitong kasintahan at okay na okay sila base na rin sa mga ipino-post nito sa kanyang social media.

Pero ang ipinagtataka namin, kapag mini-meet niya ang kanyang mga kaibigan ay hindi niya kasama ang  girlfriend niya.

Hindi naman ito boys night out dahil kasama rin ng mga kaibigan niyang lalaki ang mga partners nila kaya namumukod tanging si aktor lang ang walang ka-date.

O, baka naman natataon na busy si girl kasi nga may sarili rin naman itong career na suportado naman din ng aktor.

Sige let’s wait and see na lang kung saan mauuwi ang magandang relasyon ng aktor sa kasalukuyan niyang kasintahan. Hintayin natin kung mapuputol na this time ang tila “sumpa” sa lovelife ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending