Bakit itinuturing nina Aiko at Wendell na lucky charm ang isa't isa? | Bandera

Bakit itinuturing nina Aiko at Wendell na lucky charm ang isa’t isa?

Ervin Santiago - October 23, 2020 - 09:19 AM

ITINUTURING na “lucky charm” nina Aiko Melendez at Wendell Ramos ang isa’t isa at ilang beses na raw nilang napatunayan yan.

Ayon sa dalawang Kapuso stars, ilang programa na ang pinagsamahan nila at lahat daw ng mga ito ay naging successful at talagang sinusuportahan at pinanonood ng publiko.

Sa isang vlog ni Aiko sa YouTube, sinagot ng aktres ang mga nagtatanong na fans kung bakit never silang na-link ni Wendell kahit gumaganap sila laging magdyowa o lovers.

Ayon sa “Prima Donnas” senior lead stars, bata pa lang daw sila ay magkaibigan na sila. Pareho kasi sila ng manager noon, ang namayapang si Douglas Quijano.

“May mga nagtatanong kung bakit daw hindi tayo nali-link kasi, bigyan natin sila ng background.

“Kasi matagal na kaming magkaibigan ni Wendell, mga bata pa lang tayo, ‘di ba?” saad ni Aiko.

Hirit naman ni Wendell, “Yes, tsaka nu’ng una ko pa lang pagpasok sa industriya natin, sa showbiz, ang una ko pong kaibigan na artistang babae talaga.
“At unang kumausap sa akin kahit pagkatapos noong kumuha siya ng award, naalala mo ‘yun? Aiko Melendez ka na nu’n, e.”

Sey naman ni Aiko sa kanya, “Grabe naman ‘to, makasing-edad lang tayo halos.”
“Pero Aiko Melendez ka na nun, nandoon ka sa level na ‘yun,” sagot ni Wendell na sinundan ni Aiko ng, “Tsaka pareho tayo ng manager noon, si Tito Douglas Quijano.”

“Kaya nga kahit walang kumakausap sa akin, ikaw ‘yung unang-unang kumausap sa akin. That’s why hindi ko makakalimutan ‘yon,” sey uli ng Kapuso leading man.

Kuwento ni Aiko, sa tagal nila sa industria ilang proyekto na rin ang nagawa nila together kabilang na nga riyan ang umeere ngayong afternoon series sa GMA na “Prima Donnas”.
Ani Aiko, “At saka hindi nila alam na pareho nating lucky charm ang isa’t isa. Laging kapag nagsasama kami ni Wendell, sobrang tumatagal ‘yung mga shows.”

Kung matatandaan, nagkasama rin sina Aiko at Wendell sa gag show ng GMA na “Bubble Gang” (1995 hanggang 1998), at sa Kapamilya series na “Wildflower” (2017 hanggang 2018) na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending