Kiray nagIvana Alawi sa bikini photo: Relax! Si Iguana ‘to!

Ervin Santiago |October 23,2020
share this

Kiray nagIvana Alawi sa bikini photo: Relax! Si Iguana ‘to!

Ervin Santiago | October 23,2020 - 09:12 AM

IPINAKIKILALA, ang humamon sa kaseksihan at kakinisan ni Ivana Alawi — si “Iguana Alawi!”

Matapos ngang mag-viral ang social media star na si Pipay na gumaya sa mga paandar na labandera photos ni Ivana bilang si “Piranha Alawi”, may isa pang kumasa sa “Ivana butt challenge”.
Hindi rin nagpatalbog ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis dahil hot na hot na pinag-uusapan ngayon sa socmed ang bago niyang bikini photo na maihahalintulad sa bagong post ni Ivana sa Instagram.

Muling nag-post si Kiray ng kanyang sexy bikini photo witb her inflatable setup sa kanilang roof top rooftop kung saan buong-tapang niyang ibinandera ang kanyang katawan.
Aniya sa caption, “Relax! Hindi si Ivana ‘to! Si IGUANA ‘to.”

Umami naman ng maraming likes at comments mula sa mga netizens ang pampa-good vibes niyang paandar sa socmed.

Marami rin ang nagsabing sexy at flawless talaga si Kiray kaya malakas din ang loob niyang magpasilip ng katawan sa madlang pipol.

Isa si Kiray sa mga female celebrities na proud na proud sa kanyang body, wala siyang pakialam kung may mga namba-bash man sa kanya, basta ang paniniwala niya lahat ng tao ay may karapatang i-express ang sarili niya sa kahit anong paraan.

Sa katunayan, marami nang sinupalpal na body shamers si Kiray at hinding-hindi namin malilimutan ang naging bwelta niya sa mga taong nang-okray sa mga bikini photos niya.

“’Pag sexy, kahit magpakita araw-araw ng dede. Okay lang? ‘Pag puwet ko, galit kayo? Korni n’yo!

“Puwet na lang nga malaki sakin. Maliit na nga sa height saka sa boobs, dami niyo pang sinasabi!

“’Di na lang natin i-angat ang isa’t isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili, e. Kasi imbes na suportahan n’yo, lalaitin n’yo pa.

“Malaki man o maliit, maitim man o maputi, wala kayong paki kung anong ipo-post ng bawat isa. Kung confident sila, bakit hindi? Kung du’n sila masaya, bakit hindi?

“Hindi nila pino-post ‘yun para mabastos sila. Pino-post nila yun kasi proud sila! Bawal lumabas! Pero hindi bawal maglabas ng puwit!” hugot na patutsada ni Kiray.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending